Search Bar

Thursday, May 5, 2011

Dilaw na Gloves

source: Google
Boxing gloves. Oo, boxing gloves nga ito na siyang magiging kulay ng gloves ni Manny sa araw ng laban nila ni Shane Mosley. Bakit kaya? 

Ano ba ang ibig sabihin ng kulay dilaw? Alamin natin saglit. Ang dilaw, kung maalala natin ay simbolo ng Edsa noong panahon ni Cory. Dilaw din ang naging kasuotan ni Ninoy nitong nakaraan na eleksiyon. Sa watawat naman, simbolo ng araw, ibig sabihin ay liwanag. Maari ding maging simbolo ng panibagong pag-asa. Sa trapiko, ayon sa question and answer.com, ay isang palatandaan na "ready to stop". Sa akin, ang traffic light na yellow ay "bilisan mo dahil baka maabutan ka ng stop". 

Para kay Pacman, kung bakit dilaw, ay upang ipakita ang panibagong hamon para sa kahirapan. Si Pacquiao, naging mahirap, nagsikap sa kabila ng iba't-ibang hamon ng buhay at ngayon nakaahon. Maaring nais niyang isuntok ang hamon ng kahirapan, upang makita ng pinoy kung paano dapat lumaban. Natawa naman ako sa mga comments doon sa page related sa laban ni Pacquiao. Kesyo hindi kahirapan ang problema ng bansa kundi marami lang ang kurakot sa ating bansa kung kaya't naghihirap ang bansa natin. Tama nga naman. Kurapsyon ang isang ugat ng kahirapan at isang pasanin ng buhay dito sa pinas. Pero, ok lang kung yan ang isang adhikain ni Manny Pacquiao para sa ating bansa.

Para sa akin, dapat maging tapat ang ating mga lider para tuluyan ng mapuksa ang kahirapan. Samahan ng kaunting sakripisyo at hindi puro sarili ang unahin.

No comments: