Search Bar

Saturday, January 16, 2010

Nakakainis Ang Meralco

You know guys, para sa mga kapwa ko Filipino, minsan hindi mo maiwasan mainis sa serbisyo ng Meralco! Alam nyo kung bakit?

Nitong mga nakalipas na ilang araw, mga tatlong araw, wala kaming kuryente dahil pumutok ang linya ng Meralco sa aming lugar kung saan halos buong block walang kuryente. Dahilan umano ito ng mga illegal koneksiyon.

We have done our part, nakipag-cooperate na kami, samakatuwid, alam na nila kung sino ang mga illegal. Matagal na namin itong ipinaalam sa kanila kung kaya't alam na nila ang sitwasyon noon pa man, pero, parang merong ilan sa mga nagtatrabaho sa Meralco, na naka-assign sa lugar namin ang gumagawa rin ng illegal na transaksiyon kumbaga, pabor din sa mga illegal users. Duda ko lang! Pero, meron talaga! Pera-pera na rin kasi eh!!!

Ang nangyayari, napuputol ang linya dahil overloading daw, itinatawag, ikinakabit nila at pagkaraan ng ilang araw putol na naman. Paulit-ulit lang kaya minsan mapapagod ka ng tumawag. Hindi talaga nila ginagawa kung ano ang dapat. Ang mga residente naman nagkakabarangayan na, nagkaayos, nagkapirmahan pero ganun pa rin. Di ba nakakapagod?

Samantalang ang tanging solusyon, base sa pagkaalam ko ay ang karagdagang transformer para matugunan ang tamang demand ng kuryente sa amin. Pero, giit ng contractor, kaya pa naman daw nung transformer kaya hindi kailangan magdagdag. Sabagay, gastos nga naman, pero handa namang mag-bond yung mga ilang residente na gustong magka-ilaw.

One time, naibulalas ko sa call center agent na mahirap magpin-point kung sino ang mga illegal dahil buhay ang nakasalalay diyan. Dapat sila na ang gumawa ng paraan at ipatupad ang ultimanum sa mga illegal users.

Kaya ito, ilang araw kong hindi nabisita ang blog ko. Ngayon, parang tinatamad tuloy akong mag post sa blog dahil parang nahatak ang atensiyon ko sa naging problema namin sa kuryente at kailangang makipagtalakayan sa kapwa residente at ilang barangay leaders namin. Nakakawalang gana talaga dahil pati negosyo ko apektado. Tsk!Tsk!

No comments: