Search Bar

Saturday, January 23, 2010

Sa Pinas.. Sa South Korea...

Ilang araw na rin akong walang ganang magblog simula nung laging walang kuryente sa amin. Sobrang nakakatamad pala kapag nawalan ka ng gana. But then, medyo naingganyo ako ngayon dahil may nabasa akong isang magandang kuwento kahapon tungkol sa order ng South Korean's Health Ministry.

Isang programa ng South Korean's Health Ministry sa ngayon, tuwing ikatlong-Miyerkules, 7:30 pm, bawat buwan, ay pinapatay nila ang mga ilaw sa opisina para umuwi ng maaga ang mga staff para "gumawa ng bata". Bakit?

Ito ang sagot:

1. Low birthrate.
2. There are fears that the population will begin shrinking within a decade.
3. 1 Child are burdened with supporting the elderly.
4. South Koreans may lose out global economic competition due to lack of manpower.

Kung dito sa Pinas, insignificant ang populasyon dahil pabigat na sa gobyerno. Sa S. Korea sadyang binigyan nila ng pansin ang kahalagahan ng populasyon for economic point of view.

Sa atin, kahit hindi na magpatay ng ilaw eh talagang dumarami ang populasyon natin. Ang nakakalungkot lang isipin, hindi alam ng gobyerno kung paano gamitin ang populasyon para tayo ay lubusang umunlad.

Tama nga naman ang S. Korea, kung mababa ang birthrate maaring mahirapan ang isang bata na suportahan ang kaniyang magulang at papaano pa sila makakikilos kung kulang sila ng manpower. Ibig sabihin hindi problema ang populasyon. Ang problema ay kung paano i-distribute ang mga resources.

Sana ganito ang pananaw ng Pinas.... gaya ng pananaw ng South Korean.

No comments: