Mukhang hindi uusad ang labang ito sapagkat maraming haka-haka ang kampo ni Mayweather Jr maging ang ilang boksingerong itatapat kay Pacquiao. Ano ba ang kinatatakot nila?
Dahilan umano ay ang tungkol sa Steroids. Mga bintang na sa ganang akin ay hindi naman mahalaga. Si Pacquiao, kung height ang pag-uusapan ay malayo para sa mga katunggali nito. Kung katawan naman, hindi naman siguro napakalaking tao ni Pacquiao para katakutan nila.
Kung talagang positive siya sa steroids, sana noon pa ay nakitaan na siya. Sa dami ng mga laban niya na pawang mga magagaling pa ang kalaban, ni minsan yata ay hindi naging isyu ang Steroids sa kanya. Bakit ngayon lang?
Malamang, isang taktika lamang ito ng kalaban. Ikaw ba papayag ka na kuhanan ng sample ng dugo hanggang sa papalapit mong laban? Ang urine test ganun din. Eh kung ganito ang batayan, maaari ngang matalo si Pacquiao! Ang tanong, maging si Mayweather ba ay ganun din? Eh kung sa timbang lang ay dinaya na niya si Marquez ano pa kaya si Pacquiao na itinuturing na matinding kalaban.
Sana wag padala si Pacquiao sa demand ng mga kalaban niya. Bakit sila lang ba ang marunong? Baka pang-uuto lang ang kaya nila. Bakit kasi puro speculation ang mga iyon (kampo ni Mayweather), hindi na lang lumaban ng patas.
Medyo nakakainis yung isyu tungkol sa binabalak na laban ni Manny Pacquiao at Mayweather Jr.
Bilang suporta kay Pacquiao, bilang isang Pilipino nais kong malaman ng bawat kababayan natin ang ganitong trato nila sa ating Pambansang Kamao. Dahil magaling, kung ano-ano ang kanilang sinasabi. Dahil puro malalakas at magagaling ang tinalo niya, ganun na kaagad ang tingin nila sa Pambansang Kamao natin. Naka-Steroids daw!
No comments:
Post a Comment