Bago ang pasko, malungkot kami dahil iilan lang kami sa bahay. Ngunit nang dumating ang panganay naming kapatid, kasama ang kaniyang asawa, bilas at biyenan, medyo nagkaroon ng saya sa aming bahay. Mga ilang araw ding kaming masaya lalo na sa pagsapit ng pasko.
Masaya sila sa pamamasyal sa loob ng ilang araw na pagbisita nila dito sa Manila. Kung saan-saan sila nakarating. Sa tingin ko enjoy naman silang lahat sa bawat araw.
Nagkasundo na rin ang pinsan ko at ang nanay ko sa kanilang tampuhan ilang buwan na ang nakalipas.
Napadalaw din ang pinsan ko sa bahay kasama ang kaniyang pamilya. Nagkakuwentuhan ng kaunti at siyempre meron kaunting inuman.
Masaya kapag meron bisita sa ganitong araw ng pasko. Ngunit, nakakalungkot din pala kapag umaalis na sila. Siyempre kailangan na nilang umuwi sa kanilang sariling tahanan at doon na magdiwang ng bagong taon. Ang saya ay napalitan ng lungkot. Matagal na naman kaming hindi magkikita. Taon na naman marahil.
At isa sa nakakalungkot ay ang hindi mo makita ang ina mo na halos kapiling mo sa araw-araw. Sumama kasi ang nanay ko sa kapatid ko patungong Laoag upang magbakasyon pansamantala na maaaring hanggang bagong taon na siya roon. Medyo nabawasan kami dito sa bahay. Nakakalungkot din pala. Parang ayoko ng ganito, nakakalungkot.
Bakit nga ba ganito ang dulot ng pasko at bagong taon?
No comments:
Post a Comment