Marahil ang ilan sa inyo ay hindi pa alam na maaring gamitin ang palara na karaniwang makikita sa mga pakete ng sigarilryo na pambalot ng mga sirang eagle fuse. Para saan?
Minsan, hindi maiiwasang mag-overload ang ilang mga power supply na gamit ay 'yung karaniwang lamang sa mga residential houses. Dahil walang pambili hindi agad napapalitan. Bihira kasi ang gumagamit ng mga circuit breakers dahil may kamahalan. Pero kung tutuusin mas safe ang circuit breakers dahil nagti-trip off ito kapag may short circuit at overloading.
Paano ba ito ginagamit? Kapag nag-overload ang inyong plangka, tingnan ang bawat fuse kung alin ang may sira. Tingnan mo na rin kung alin sa mga gamit mo ang dahilan ng overloading. Safety first! I-off muna 'yung switch para makasigurong ligtas ka. Tapos, tanggalin ang sirang fuse gamit ng plies palabas ng plangka. Gumupit ng palara ng sigarilyo at balutin ito ng naaayon sa sukat nito at tamang kapal lamang upang lumapat ng husto sa slot. Ibalik at muling i-on ang plangka. May ilaw na?
Ngunit isang paalala, ito'y pansamantala lamang ang paggamit. Kung may pambili ka na palitan agad ng bago ang sirang fuse.
No comments:
Post a Comment