Tuloy-tuloy pa rin ang laro ng Politika. Si Chief Justice Corona, mukhang tuloy na ang impeachment. Sabi ng ilang senador, sagutin na lang niya ang mga reklamo sa hukuman ng Senado. Doon malalaman kung ano ang kani-kanilang motibo. Samantalang ang pangulo, patuloy ang positibong suporta ng mga tao sa pagsugpo sa katiwalian lalo na sa nakaraang administrasyon.
Kanya-kanya sila ng mga kadahilanan. Ang opinyon ng iba, tama at maayos naman ang ginagawa ng pangulo. Paano nga naman masusugpo ang katiwalian kung mayroon pang mga tiwali sa hanay ng gobyerno? Paano magkakaroon ng "tuwid na daan" kung meron handang baluktutin ito.
Sa hanay naman ng mga ilang husgado at ilang mga abogado, kalaspatangan na ang ginagawa ng pamahalaan. Nasisira daw ang reputasyon ng Supreme Court. Nagiging diktadora na umano ang uri ng pamamaraan ng gobyerno.Sapagkat, ilang sandali lang umano, agad naisa-ayos ang impeachment complaint laban kay Justice Corona.
Magkakaalaman na sa panahong ito kung seryoso ang pamahalaan na tuluyan ng puksain ang katiwalian. Malalaman na rin natin kung para saan ba talaga ang Supreme Court ng Pilipinas. Matutunghayan ngayon ng bawat pinoy kung ano ang kapangyarihang hawak ng judiciary at pamahalaan. Ito ngayon ang nagiging debate.
Sana nga ay matapos na ang panahon ng katiwalian sa ating bansa. Magkaroon na ng "tuwid na daan" upang muling umangat ang pamumuhay nating mga Pilipino. Maging maayos muli ang takbo ng ating pamumuhay, maunlad sa pagpasok ng 2012.
No comments:
Post a Comment