Search Bar

Saturday, October 15, 2011

Humanda na ang mga violators ng waste segregation

Kakasuhan daw?

Oo, parang ngayon ko nga lang narinig yung salitang pagsasampa ng kaso laban sa mga lumalabag sa pagtatapon ng mga basura. Basura, basura! Marami na raw ang lumabag na nasa 100 mahigit na kaso na base sa artikulo ng yahoo kontra sa pagsegregate ng mga basura. Sino-sino naman kaya ang mga yun at saang lugar? Mukhang seryoso na nga ang ating gobyerno. Dapat lang dahil sa laki ng problema sa basura sa bawat araw. Marami talaga ang hindi nasunod sa batas ito. Kung magkagayon, matututo na ang bawat residente o ang bawat isa na maging responsable sa kanilang mga kalat.

Dito sa amin sa Taguig, medyo hindi pa nasanay ang mga tao sa tamang paghiwa-hiwalay ng mga basura. Pero, unti-unti ng natututunan ng mga residente ang tamang proseso ng pagtatapon ng basura. Dito, tiyak kapag hindi nahiwalay ng maayos, hindi tinatanggap ng mga taga-kolekta ng basura ang mga basura. Ok di ba? Kaya tiyak babaho ang basura sa bahay mo. Kaya naman, mas mainam na sumunod na lang total para naman din sa kaayusan natin ito. 

Saka, mananagot ang mga taga-kolekta sa mga basurang hindi nahiwalay ng maayos. Maaaring sila ang pagmultahin o kaya naman ay mawalan ng trabaho. Kawawa naman kung sila ang mananagot o kaya mapagalitan.

Sana nga magtuloy-tuloy na ang programang ito pati ang pagsasampa ng kaso. Napag-iiwanan na tayo. Kapag, natupad ang programang ito, tiyak lilinis na ang ating kapaligiran maging ang bawat ilog, sapa at karagatan natin. Maaari na uli tayong mamasyal sa mga ilog at sapa na walang basura sa paligid. Siguro naman, hindi na magkakaroon ng matinding pagbaha sa mga siyudad lalo na sa kamaynilaan.

Pagsamahin ang mga nabubulok, di-nabubulok at mga puwede pang i-recycle. Kaya, basura natin ihiwalay ng maayos para maiwasan ang multa at parusa maging ang kahihiyan. 

Ang hindi makasunod ay maaaring magmulta ng P300 pesos at isang oras na lecture sa unang paglabag. Sa ikalawa naman, P500 o kaya ay limang araw na community service. Samantalang ang ikatlong paglabag, P1000 o 10 days na community service. Ngunit kapag, pang-apat na paglabag na, ito na ang sinasabing kakasuhan ka na.
Enhanced by Zemanta

No comments: