Image via Wikipedia
Sa sinasabi ng ilang mga testigo sa senado tungkol sa dayaan sa halalan noong panahon ng pagtakbo ni FPJ, maaaring malaking tulong ito para mapanagot ang mga opisyal na sangkot sa dayaan. Siguro naman, kung sakaling mapatunayan ngang nandaya ang dating pangulong Gloria Arroyo, dapat kasuhan na lakip yung ilang katuwang sa dayaan. Walang hiya talaga yang dagdag-bawas na yan! Tapos salot talaga itong mga taong gahaman sa pera, nasilaw kaya nagpagamit.
Sinasabing si FPJ raw ang talagang nanalo. Kung totoo, dapat may aksiyon na ang senado? Kasuhan na sila. Tatagal lang ang imbestigasyon, mauuwi rin sa wala. Para nga lang papogi points ang senado at mga mambabatas.
Kung sakaling man malutas ang kaso, wala na rin namang saysay sapagkat wala na si FPJ. Kumbaga, sige lang, alamin pa rin natin baka sakaling mabago pa ang takbo ng bansa. Nagpapatunay lang kung gaano kahina ang justice system dito sa ating bansa. Marami pang kaso ang hindi pa rin nalulutas at wala na yatang pag-asang malulutas sa dami ng mga delaying tactics.
Sa dami ng problema sa ating bansa, paano pa kaya malulutas ang mga kasong yan. Hirap talaga maging pinoy.
No comments:
Post a Comment