Image via Wikipedia
Puspusan ang ginagawang kampanya ng ating pamahalaan tungkol sa Underground River na matatagpuan sa Puerto Princesa, Palawan bilang pambato natin sa pipiliing bagong "7 Wonders of the World". Kaya naman pati mga paaralan ay tumutulong na rin para ipalaganap ang pagboto ng ating mga kabataan sa ating pambatong Underground River gamit ang internet. Kung kayo ay hindi pa nakakaboto, bumuto na.
Maraming magagandang tanawin ang matatagpuan sa ating bansa at marami pa ang hindi pa napupuntahan ng mga turista lalo na ang parteng Mindanao gawa ng kaunting kaguluhan doon. Kung mapapanatili lang sana ng ating pamahalaan ang kapayapaan at siguridad ng mga turista sa ating bansa, malamang magiging maunlad ang Mindanao. Hindi na kailangan pang lumuwas ng ilan nating kababayan sa Manila upang maghanap ng trabaho. Ngunit patuloy pa rin tayong umaasa ng kapayaan doon upang maisulong na ang turismo sa lugar ng Mindanao.
Ilang bahagi sa Mindanao halimbawa ay ang lugar ng Surigao Sur, Surigao Norte, Agusan Del Sur at Del Norte at marami pang iba.
Ngayon, sana sa pamamagitan ng bagong hirang na pinuno ng Department of Tourism, sa pangangalaga ni Secretary Ramon Jimenez, nawa'y mapalawak pa ang ating kampanya sa turismo. Mas marami pa sanang mahikayat na turista sa ating bansa sa kabila ng mga travel advisory na ipinalabas ng ilang bansa laban sa Pilipinas. Hindi hadlang ang mga ganitong advisory kung iigtingan pa ng departamento ang siguridad ng bawat turista.
Dahil nga kilala sa kaniyang naging tagumpay sa patalastas na siya umanong naging susi sa kampanya ni PNoy noong halalan bukod sa kaniyang epektibong advirtisement sa Jollibee, umaasa ang ilang opisyal na magiging epektibo rin siya sa nasabing departamento. Sina Sen. Lapid at Sen. Pangilinan ay nagpahayag ng tiwala sa kaniya. Nangako naman siya pupunan niya ang mga kakulangan sa larangan ng turismo ayon sa panayam sa kanya.
No comments:
Post a Comment