Search Bar

Saturday, September 3, 2011

Dating NBN, Ngayon ay GBN

Ang dating pinag-uusapang NBN-ZTE scandal noong 2007 na ibinunyag ni whistleblower Jun Lozada ay balak muling buhayin ayon sa proposal ng DOST. At tila mauuwi na naman ito sa katakot-katok na pag-aaral kung dapat nga bang buhayin. Ngunit hindi na marahil NBN kundi "GBN o Government Broadband Network". Magkagayon, kung hindi mapa-plano ng maayos, maaari na naman itong mauwi sa imbestigahan. At ayon pa sa isang article, si Jun Lozada yata ang napupusuang maging consultant. Bagaman, hindi pa gaano binibigyan ng importansiya ang nasabing usapin, malamang hindi na mapipigilan ang planong ito dahil kailangan umano ang ganitong project para maging maayos ang serbisyo ng bawat ahensiya ng ating gobyerno sa ating bansa.

Marami naman ang sumasang-ayon sa ganitong plano basta maging transparent lang umano ang gagawing hakbang ng ating pamahalaan.

Ang kinatatakot naman ng ilang, ayon sa isang UP analyst, ay baka kung kailan nasimulan na ang nasabing proyekto, sa oras na masimulan na at may nakitang problema, baka hindi na naman ituloy kung saan gumastos na ang pamahalaan. Kumbaga, mauwi lang sa wala ang nagastos ng pamahalaan sa installation, labor at iba pang gastusin pabor dito.
Enhanced by Zemanta

No comments: