Search Bar

Sunday, August 28, 2011

Dapat Palitan o Kusang Mag-resign?

Inis ang ilan sa ating mga kababayan na nakabasa ng issue sa maling bangkay ng OFW na dumating sa pamilya ni Ubengen. Imbes na bangkay ni Ubengen, bangkay ng Turkish ang dumating sa kanila. Hindi malaman kung sino ang nagkamali. Nagtuturuan pa yata. Kaya naman, may order ang palasyo sa DOLE na ayusin ang nasabing problema. 

Ganyan ba talaga ka-irresponsable ang ilan sa ating mga lider. Sabi nga nila dapat palitan na kung sino man ang may kasalanan sa nasabing pagkakamali. Upang sa ganun, magtanda ang susunod na mapipili. Magsisilbing leksiyon kumbaga.

Ang sinisisi ng ilan ay ang kapalpakan ng ilang opisyal ng embahada sa Saudi Arabia. Sa kabilang banda naman, ang employer daw ang may responsibilidad sa nangyari ayon sa ilang opisyal ng embahada. Dapat mahigpit ang double-checking. Ayon pa sa isang nag-comment, walang extra mile kaya ganun.

Siguro dapat sa ating mga opisyal ng gobyerno, magkaroon sila ng kahihiyan. Dapat kung magiging problema lang sila ng ating pamahalaan ay kusa na silang mag-resign. Hindi natin kailangan ang opisyal na madalas maghugas-kamay. 

Tulad ng nabasa kung issue sa Japan, balita ay magre-resign na naman ang kanilang Prime Minister dahil sa problemang hindi pa nalulutas tungkol sa nakalipas na problema sa Tsunami noong nakalipas na mga buwan. Na hanggang ngayon marami sa mga naapektuhan ng Tsunami ang walang hanap-buhay o trabaho. At hinihintay nila kung kailan magkakaroon ng solusyon ang problema.

Kasi kung mananatili  pa sila( opisyal ng embahada ng Saudi Arabia) at wala naman nagagawang mabuti eh ano pa at dapat silang magtagal. Magkaroon sana sila ng hiya. Kung sa simpleng pagkilatis ng bangkay ay hindi nila magawa ano pa kaya sa ibang bagay na halos araw-araw may problemang dinadaing ang mga OFW sa ibang bansa. At kadalasan mas napapabayaan ang mga OFW dahil kung walang lagay, walang aksiyon.

No comments: