Search Bar

Tuesday, September 20, 2011

Sayang, Gaganda Pa Naman!

Image Source: Yahoo.com
Ito ang isang kuha na tila nagpapakita ng pagiging seryoso umano ng ating gobyerno laban sa mga pekeng produkto na umano ay mula sa ibang bansa.

Mukhang kaunti lang ang mga ito na makikita natin sa litratro. At malamang marami pang kasama ang mga iyan na hindi makikita dyan. Tapos, hindi naman talaga makikitang sinusunog. Hindi maiiwasang hindi magduda ang isang tulad ko o sinuman dahil hindi na bago ang ganitong propaganda. Marahil ilan sa mga iyan ay hindi pa nasira at puwede pang pakinabangan ng ilang empleyado na gustong kumita..

Ito ba'y pagpapakita na talagang seryoso na ang ating pamahalaan na sugpuin ang smuggling, pamimirata o ang tinatawag na paglabag sa Intellectual Property Rights ? O isa lamang itong palabas. 

Alam natin na palapit na ang kapaskuhan kaya pumapasok na naman ang mga pekeng bag at kung anu-ano pa na puwedeng ibenta sa murang halaga. Kapag maganda at mura patok yan sa masa! Sa ganitong pagkakataon san pa ba pupunta ang mga pinoy kundi sa mga lugar na tulad ng Baclaran at Divisoria

Honestly, kahit kapamilya ko napapabili ng mga ganyan dahil mas mura kumpara sa original. Hindi naman kasi seryoso ang pamahalaan mula pa noon kaya hindi rin nila masisisi ang mga taong tumatangkilik ng mga pekeng kagamitan.

Pero, dahil mainit sa mata ang mga ganito ngayon, kalimitan sa mga probinsiya na lang ito ibinebenta kung saan hindi pa mahigpit ang ilang bayan. Pero kahit dito sa kamaynilaan, marami pa rin ang malalakas ang loob na magbenta ng mga ganito dahil may mga protektor sila.
Enhanced by Zemanta

No comments: