Search Bar

Thursday, September 22, 2011

"Poor English" Nilalait Na

Philippine Senator Manuel "Lito" LapidImage via Wikipedia
Bakit kasi hindi na lang tayo pasakop sa bansang Amerika ng tuluyan ng maging pambansa wika natin ang Ingles. Mga Kabayan, mapapansin ninyo ngayon na kapag ang isang tao ay mahina sa Ingles maaari ka ng ma-discriminate dito sa sarili nating bansa. Gaya lamang nitong si Senador Lito Lapid, kung saan marami ang nagsasabing hindi na dapat siya tumakbo bilang senador. Eh nasa Saligang Batas naman ang basehan kung pasado ba siya o hindi! At kung itataas pa ang antas ng kwalipikasyon sa mga kakandidatong opisyal ng bansa, malamang maraming mabubuting tao na mababa ang pinag-aralan ang hindi na makakapaglingkod sa bayan.

Pamahamak na Ingles yan! Sabi nga nung isang foreigner, bakit kasi Ingles ang ginagamit sa Senado at sa mga batas, e nasa Pilipinas naman tayo. Kumbaga, sa Amerika Ingles dahil yun ang kanilang pambansang wika. Sa Japan naman, Nihonggo dahil yun ang salita nila. Sa China, Mandarin. Wika ang dapat na magbuklod at magdala sa atin tungo sa pagkakaisa at pag-unlad. Ngunit tila, nababanaag natin na tuluyan ng nagagapi ng wikang Ingles ang ating wika. Sa makatuwid, patuloy pa rin ang pananakop sa atin ng bansang Amerika dahil sa hanggang ngayon taglay pa rin natin ang kanilang impluwensiya.

Wag na sana nilang palalain ang sitwasyon. Kung si Senador Lapid ay hindi makasali sa debate ng RH Bill sa wikang Ingles wag ng ipilit. Sa susunod, piliiin kung sino dapat ang ilagay sa puwesto. Total may hangganan naman ang kanilang panunungkulan. 

Respeto naman sa kapwa! Bakit kung lahat ba ay magaling mag-ingles ay matalino na. Kung si Moses nga nagawa niyang iligtas ang mga Israelites kahit mahina siyang magsalita. Isipin natin na Diyos ang pumili at nagturo sa kanya upang magawa niya iyon. At iyon ang kulang sa mga lider natin. Wala sa kanila ang buong presensiya ng Diyos kung kaya hindi nila madala ng maayos ang ating bansa. 

Huwag naman nating laitin ang mga kababayan nating na mahina sa Ingles dahil hindi natin alam kung ano ang pinag-daanan nila sa buhay.

Isang halimbawa na lang ang Miss Universe Pageant 2011, yung nanalo ay hindi sumagot ng Ingles pero siya ang nanalo kaya nanggalaiti tayong mga pinoy dahil dapat si Shamcey Supsup ang dapat nanalo. Kaya, makikita natin na hindi wikang Ingles ang batayan upang madaig natin ang iba.

Pinahihirapan lang lalo nila ang bansa natin. Gayong alam naman nating, hindi basta-basta matatanggap ng bawat pinoy na Ingles ang maging wika natin. Wag na rin nating sisihin ang mga taong bumuto sa kanya dahil karapatan ng sinuman yan. Ikaw o ako ay may karapatan sa bansang kinabibilangan natin.

Isipin natin na kahit ilang libong matatalinong lider pa yan at kahit anong gagaling nilang mag-ingles, kung wala talaga sa atin ang "Liwanag mula sa Diyos" e wala talaga tayo. E ang mga yan, magaling lang magsalita pero kulang sa gawa at kulang sa pakiramdam! Iilan na lang ang mga lider natin na may takot sa Diyos, karamihan mapagsamantala sa yaman at mga hipokrito. Nagmamagaling pero ilan taon na ang lumipas ito pa rin tayo, yung ibang bansa naghahanda na ng matataguan sa ilalim ng lupa, o malilipatan sa ibang planeta, pero tayo magulo pa rin.
Enhanced by Zemanta

No comments: