Saluyot (Jute), Moringa, Monggo beans |
Tanghalian na, naghanda ang aking partner ng masarap na gulay. Pinakuluang mongo na may halong Malunggay at Saluyot. Sarap kumain kasabay ng malamig na simoy na hangin. Marami akong nakain lalo na yung gulay. Malapot ang sabaw dahil sa saluyot at monggo. Sarap higupin ang sabaw dahil mainit-init pa. Kung hindi nga lang masama kumain ng marami dahil sa high blood, gusto ko pang kumain pero, siyempre iwas muna para hindi matuluyang lumala ang sakit. Sabagay, hindi naman nakaka-high blood ang gulay.
Ang gulay ay bahagi na ng pagkaing Pinoy lalo na sa probinsiya o sa bandang ilocos, nako, nakakalula ang gulay doon. Magsasawa ka sa gulay dahil sagana ang gulay sa probinsiya. Alam nyo naman, dito sa Manila hindi gaano pansin ang gulay dahil sa mas nakararami, mas gusto nila ang masasarap na ulam na puro karne tulad ng baboy at manok. Sa akin naman, okay lang kahit ano, mapagulay o karne wag lang lason.
No comments:
Post a Comment