Gaya nga ng sinabi niya noon tungkol sa gambling, sinabi niya na laban sa kanya ang mg sugal. Hindi rin niya priority ang jueteng. So, mananatili pa rin ang jueteng para pagkaperahan ng mga pulis at sino mang tongressman sa ating bansa.
Dahil laban sa kaniya ang mga sugal kaya sinabi niya ito noon sa isang briefing sa Camp Aguinaldo: “We will provide, hopefully, more training that people will take advantage of, that would enable them to get jobs that would clean up their lives, in a more productive manner".
Sa ngayon, wala na tayong naririnig na ingay tungkol sa PAGCOR, ano na kaya ang nangyari? Mukhang makakaligtas na yata ang mga taong sangkot sa anomalya. Mukhang mababaliwala na naman ang mga planong kasuhan ang mga ito.
Hanggang ngayon, patuloy ko pa rin sinusubaybayan ang katiwalian sa PAGCOR dahil gustong kong malaman kung talagang seryoso ba ang pamahalaan na sugpuin ang katiwalian.
Nais kong matiyak sa aking sarili kung kailangan pa ba siyang iboto sa susunod na panahon ng kaniyang pagtakbong muli kung hindi niya magagawa ang kaniyang mga ipinangako.
No comments:
Post a Comment