Search Bar

Saturday, August 1, 2009

Mangarap Ka

Ano man ang kalagayan mo ngayon
Mangmang ka man o marunong
Ang mangarap ay hindi masama
Lalu na’t ito’y buong pusong ginagawa

Ang makatapos ng pag-aaral
Ito’y isang munting pangarap lamang
Kailangan mo’y tiyaga’t pagsisikap
Kung nais mong makaahon sa hirap

Ang makakain ng tatlong beses isang araw
Maituturing na mababaw na kaligayahan
Subali’t ito’y simpleng pangarap lamang
Na siyang hangad ng kahit sinuman

Isang maayos na hanapbuhay
Saligan ng isang mabuting pamumuhay
At isang masayang pamilya
Na ibinubuklod ng iisang pananampalataya

Mangarap kang araw ay abutin
Kung buwan lang iyong mararating
Ituring mong ito’y mabuti na rin
Sapagkat bibihira ang may nararating

Ngunit kong mangangarap ka na rin lang
Kaligtasan sa langit na ang iyong unahin
Dahil lahat ng pangako ng Diyos
Buong-buo mong kakamtin.


JUN SABATIN

1 comment:

Raymund M said...

address unemployment and economic recovery follows..
want to work online at the comforts of your home ..try this site if your still searching online jobs ...
BUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN
Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.com