Search Bar

Saturday, August 1, 2009

"Pag Kadilimay Dumating"

Gumawa ka ng kabutihan
Habang may panahon pa
kapag kadilima’y dumating na
ang lahat ay wala ng halaga

bawat sinag ng araw sa umaga
ay simbolo ng malaking pag-asa
kapayapaan at walang hanggang ligaya
sa kabilang buhay iyong matatamasa

kahit na isang sinagtala
maituturing ding mahalaga
ito’y isang pagpapatunay
na ang tao’y may panahon pa

kung kadilima’y nandiyan na
tulad sa isang kamatayan
at liwanag ay maglaho na
huli na ang lahat para magsimula

kaya’t tumulong ka.. magmahal ka
magserbisyo hangga’t kaya
bago man lang mangyari
na ang lahat ay mawalan ng halaga


JUN SABATIN

No comments: