Search Bar

Wednesday, April 30, 2014

Ang Pagbisita ni Pangulong Obama, Presidente ng Amerika

Nitong Abril 28, 2014, bumisita ang pangulo ng amerika bilang bahagi ng kaniyang "Asia Pacific Trip". Ito siguro ay upang pagtibayin ang alyansa ng Pilipinas at Amerika. Siguro naman may patutunguhan ang ugnayan ng dalawang bansang ito, hindi lang para sa ekonomiya, diplomatiko at militar na ugnayan. 

Naging resulta ng kaniyang pagbisita ang pagkakaroon muli ng ugnayang militar, ang 10 year military pact deal na nilagdaan ng magkabilang panig. Layunin nito na magamit ang ilang base ng mga military dito sa ating bansa. Layunin din nito palakasin ang kanilang presensiyang militar dito sa ating bansa at sa buong Asya. Ibig sabihin mararamdaman na naman natin ang presensiya ng amerika gamit ang kanilang military system. Ibig sabihin, hindi na tayo magiging dehado laban sa pangbu-bully ng China. Ibig sabihin, unti-unting masusupil ang mga panggugulo ng maka-kaliwang grupo tulad ng mga NPA, ASG at iba pang grupo ng mga rebelde.

Sa kaniyang naging pagbisita, may ilan pa rin militanteng grupo ang nagpakita ng kanilang hinaing at pagtutol laban sa mga amerikano. Tutol sila sa kasunduan at tila ayaw pa rin nila na maging aktibo ang Amerikano dito sa ating bansa. Dahilan nila, labag ito sa saligang batas, hindi iminungkahi sa senado at sadyang pinabilis ang pag-aproba bilang regalo sa pagdating ng pangulo ng amerika.

Nag-aalala ang ilan tulad ng grupong Gabriela, na mamimilegro na naman ang ating mga "kababaihan at kabataan". Anila, magsusulputan na naman daw kasi ang prostitusyon, AIDS, ilang mga suliranin at pang-aabuso. Nangangahulugan ba na dahil may idudulot itong malaking suliranin, maaaring maibaon din sa limot ang ilang mga suliraning kinakaharap ng ating bansa?

Bilang isang mamamayan, dalangin natin ang patuloy na kapayapaan sa mundo at higit sa lahat dito sa sarili nating bayan. Hindi natin hangad na magkaroon ng giyera. Subalit kung kinakailangan, sadyang napakahalaga ang pagkakaroon na isang matatag na alyansa. At isa ang bansang Amerika sa inaasahan natin tutulong sa atin laban sa mga bansang handang sakupin muli ang ating bansa.

Nasanay na tayo na may tinatawag na Amerika, na parang isang kapatid na umaagapay sa atin. Hindi rin maikakaila na karamihan sa mga kababayan natin ay gustong maging "American Citizen". At hindi natin masisisi na may mga taong gustong maging Federal State ng amerika ang bansang Pilipinas gaya ng Hawaii kung saan ramdam nila ang magaan na pamumuhay at pag-unlad di tulad dito sa atin. 

Kailanman, hindi na natin mai-aalis sa ating isipan ang pagiging kolonyalismo. Dito natin muli mapapatunayan kung anong klaseng gobyerno at mga opisyal meron tayo na handang protektahan ang ating kalayaan, karapatan tungo sa pag-unlad at kapayapaan.


source: Barack Obama's visit
              Gabriela
              10 year military deal
              Asia Pacific Trip

No comments: