Papunta ako ng NSO Pasay na malapit lang sa Mall of Asia, hindi ko alam na may operation ang MMDA ngayon ng smoke belching at over speeding sa kahabaan ng daanan. Patungong census, naroon ang nakatuka para sa mga over speeding at papauntang DFA naman, naroon ang mga naka-assign sa smoke belching operation. Nagmamadali ako dahil kailangan kong makuha ang papel na kailangan kung ihabol sa DFA sa mga oras na iyon bago ang cut-off time sa DFA.
Sa kamamadali, nahuli ako daw ako ng video na tumatakbo ako ng mahigit 60 KPH gamit ang motor patungong census. Naki-usap ako pero talagang walang patawad at pilit akong tinitikitan. Ang nakakapagtaka, may mga nauna pa sa akin na mga kotse na nahuli din ngunit hindi naman nila tiniketan. Hindi talaga pare-parehas ang ginagawa ng mga MMDA enforcer na yan. Nang tanungin ko kung magkano ang tubos, nasa P1000. Grabe! Nakakainis!
Kaso kailangan sumunod na lang dahil baka tumagal pa at tuluyang ma-pornada mga lakad ko ngayon kaya tinanggap ko na lang ang tiket. Pero bago ako pumirma, naki-usap akong makita ang video kaso malabo ang video kaya duda ako kung talagang nakuhaan ako. Dapat sana palitan na nila ang gamit nila para naman fair sa mga hinuhuli nila. Bagama't may pagdududa, pinirmahan ko na ang ticket at agad dumiritso sa NSO. Ayoko kasing masayang ang lakad ko na bukod sa nahuli na ay hindi ko pa mai-file ang papeles sa DFA para sa red ribbon.
Dapat, hindi yung pabugso-bugso lang ang ginagawa nilang operation. Dapat araw-araw para kung disiplina talaga ang gusto nilang mangyari eh lubusan ng madislina ang tao. Hindi yung kung kailan lang nila gusto. Saka hindi dapat pinipili kung sino ang titiketan at palulusutin dahil yung iba naman pinalulusot nila lalo na kung may kilala opisyal ng siyudad. Buhay talaga.
1 comment:
Data encoder - Apply for online work
You can earn while enjoying time with your family and love ones.
for more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
to get started., Email me at besbremisana@yahoo.com
Post a Comment