Gaya ko, kayo ba ay subscriber ng ilang mga internet provider na tulad ng Smart Bro, Globe Broadband at kung anu-ano pa? Sa aking naging karanasan sa Smart Bro, napansin ko na style yata talaga nila ang ganito sistema.
Napansin ko noong una akong pumirma ng kontrata, isang taon lang ang lock-in period. Ngunit mahigit na akong isang taon subscriber ng linya at iniisip ko na tuwing matatapos ang kontrata ng kanilang serbisyo inaasahan ko na aabisuhan nila ako ng panibagong kontrata. Ngunit hindi ganun gaya ng inaasahan na tulad ng isang kontrata sa paupahang bahay.
Umabot na ako ng 7 taon sa kanila hanggang sa madalas na nagloloko ang koneksiyon namin sa internet na kahit itawag mo o maayos man ay hindi talaga nagiging stable ang koneksiyon. Noon, may mga time na nagloloko ngunit bumabalik naman. Pero, sa katagalan lumalala ang problema. Nalaman ko na kaya humihina ang speed ay dahil saturated na ang linya, ibig sabihin marami na ang nakakabit sa isang istasyon na lagpas na sa nakatakdang dami ng nakakabit. Yun din ang sabi sa akin ng ilang mga nakaka-alam sa serbisyo ng Smart Bro. Samakatuwid, dahil sa dami ng naghahati-hati ng linya bumababa ang speed na nakukuha ng isang subscriber taliwas sa kanilang advertisiments.
Dahil minsan kung susumahin, halos isang buwan din walang internet. Hindi rin naman basta ganun lang na tatawag ka ng tech support ay nandiyan na agad sa pintuan mo para ayusin ang problema. Minsan pahaharapin ka sa computer ng isang call center agent na parang wala naman alam kung ano talaga ang problema. Dahil laging ganun ang nangyayari kaya nakakasawa na at kailangan ng magpalit at ipatanggal ang kanilang linya.
Ang problema, dahil naka-lock-in, lalabas na hindi pa puwede dahil may ilang buwan pa na kailangan tapusin. E, paano nga kung hindi na talaga kami satisfied? So ang ginawa namin hindi na namin ginamit at nagpakabit na kami ng iba. Dahil nakakabit pa ang kanilang canopy sa bahay na wala ng silbi ay nagbabayad pa rin kami. Kahit sabihin mo sa kanila na putulin na kailangan daw talaga tapusin ang lock-in period.
Ilang buwan na, biglang dumating ang bill na halos tatlong buwan. Sinadya talaga naming hindi bayaran ang una at ika-lawang buwan ng billing para totally ma-disconnect na nila ang linya namin.
Noon, kapag isang buwan pa lang na delay may koneksiyon pa rin kami. Sa pangalawang buwan asahan mo may notice of disconnection na kami. So, isang ground na para alisan ka ng koneksiyon, ibig sabihin wala na kaming internet.
Naisip ko ang tinatawag na reverse psychology, hindi namin binayaran ang dalawang buwan para disconnected na ang linya. Hindi ganun ang nangyari, umabot pa kami ng tatlong buwan na may internet bago kami nakatanggap ng notice of disconnection. Maluko rin sila, ano? Hanggang sa hinayaan namin para mapagod na rin sila at tuluyan ng tanggalin ang linya bago namin i-settle ang bills. Kahit pumunta na kami sa smart center (Bicutan Branch) para sabihin na tanggalin na ang linya wala naman pumunta para tanggalin ang canopy para matapos na ang problema. Grabe!!
Naisip ko ang tinatawag na reverse psychology, hindi namin binayaran ang dalawang buwan para disconnected na ang linya. Hindi ganun ang nangyari, umabot pa kami ng tatlong buwan na may internet bago kami nakatanggap ng notice of disconnection. Maluko rin sila, ano? Hanggang sa hinayaan namin para mapagod na rin sila at tuluyan ng tanggalin ang linya bago namin i-settle ang bills. Kahit pumunta na kami sa smart center (Bicutan Branch) para sabihin na tanggalin na ang linya wala naman pumunta para tanggalin ang canopy para matapos na ang problema. Grabe!!
Ngayon, lumalaki ang bill dahil sa interest at collecting fee ngunit hindi pa rin nila tinatanggal ang canopy. Nakakapagod, kahit abisuhan mo na sila parang wala lang. Sana baguhin na nila ang sistema nila dahil hindi na sila nakakatulong sa tao.Ibinabaon lang nila sa utang.
No comments:
Post a Comment