May isang sundalo, kasal at may isang "adopted child" ang namatay dahil binaril ng rebelde. Kasalukuyan, inaasikaso ng asawa ang mga papeles sa Kampo Aguinaldo ang mga benepisyong maaari nilang makuha. Sayang at hindi umabot sa 20 taon ang bilang ng serbisyo ng kanyang asawa pero kahit paano malaki na rin ang halagang kanilang makukuha. Labin-isang taon lang sa serbisyo ang kaniyang asawa.
May anak sa labas ang kanyang asawa at tanggap nito ang bata na isinunod sa pangalan ng ama bilang junior. Tanggap naman ito ng babae dahil na rin sa paki-usap ng asawa noong ito ay nabubuhay pa. Ayon sa batas, Art. 195 Family Code In the Philippines, may makukuha ang bata kung tanggap siya ng ama. Dahil dito kinailangan pa ang "Affidavit" na nagpapatunay na anak nga niya ang bata. Ngayon na inaasikaso nila ang mga papeles, isa sa mga naging problema nila ay ang pagpirma ng lola ng bata na siyang nag-aalaga, sa isang "Affidavit" para maipasok ang mga papeles.
Siguro dahil naghahabol sila ng mas malaking share kaya ayaw niyang pumirma o may iba pang dahilan. Bakit hindi na lang makipag-ugnayan ng maayos para sa ikabubuti ng lahat para mai-release na ang pera. Sa katunayan, hindi naman sila ang higit na makikinabang kundi ang apo naman nila at para na rin sa magandang kinabukasan ng bata. Mabuti na lang at naintindihan din ng lola ng bata at nakumbinse ito na pumirma na.
No comments:
Post a Comment