Ang buhay talaga, hindi mo alam kung paano mamuhay ng tama dito sa Pilipinas. Pero, marahil sa ibang bansa ganun din naman, marami ring problema. Ngunit ang matindi lang dito sa atin ay yung grabeng kurapsiyon. Tulad na lang halimbawa ng isyung "Pork Barrel" scam na sangkot ang pamilyang Napoles. Siguro nagsimula itong maungkat ng makita sa "Youtube" ang umano'y labis na kasayahan at handaan sa kaarawan ng isa niyang anak.
Sa bidyong iyon makikita mo kung gaano ka-galante ang nasabing pagdiriwang at maging ako ay hindi makapaniwala sa magarbosong pagdiriwang na iyon na sa Las Vegas pa ginanap. Akala ko ay dayuhan ang pamilyang Napoles ngunit hindi pala, sila ay mga Pilipino rin. Sa video makikita mo kung paano sila labis na nagsaya kasama ang mga kaibigan ng anak nila at marahil ilang kamag-anak. Haka-hak ng ilan na ang perang ginamit nila ay mula sa "Pork Barrel". Sabi, ito raw ay galing sa kita nila sa mga negosyo pinag-sikapan nilang itaguyod dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Ang pinaka-mabigat pa nito, ayon sa mga usap-usapan, dawit ang ilang senadores na malapit sa mga Napoles. Ngunit may mga tumatanggi at sabi hindi daw nila kilala ang pamilyang ito. Malapit umano ang ginang sa ilang mga senador maging sa mga mambabatas. Dahil dito nagagawa nilang pumasok sa isang proyekto na umaabot sa bilyon ang halaga. Ang hatian ay 70%-30%. Mantakin mo, ilang mga opisyal ng gobyerno ang nakikinabang sa Pork Barrel? Nagagamit ang ito sa pamamagitan ng Priority Projects Asistance Fund (PDAF).
Samakatuwid, talagang nga palang malaki ang pera kapag pumasok ka ng pulitika. Kaya naman, ang ilan ay ayaw alisin ang Pork Barrel. Sabi nga ng ilan, ano kaya kung tuluyan ng mawala ang pondong ito may tatakbo pa kayang pulitiko at maglilingkod ng tapat sa bayan. Subalit, kailan lamang nabasa ko na tila hindi sang-ayon ang pangulo na alisin ito, Bakit??? Eh kasi mahalaga raw ito sa mga programa ng gobyerno. Ang kaso, tumtitindi yata ang kurapsiyon sa panahon ngayon kasi ultimo pagbabayad ng utang, pambili ng kagamitang pangdigma at iba pang suliranin ay hindi pa rin natutuldukan. Pero kung maglaan ng pondo ay walang kahirap-hirap.
Sa isang mahaba at makabuluhang artikulo na nabasa ko tungkol sa "Pork Barrel" scam, tila may laman ang sinulat ng may akda.... tila may alam siya sa mga pangyayari. Bagama't mahirap patunayan na gaya ng hamon ng ibang mambabasa na dapat ang sumulat niyon ay dapat magpakilala at wag magtago sa pamamagitan ng blog lamang. Sino ba namang tanga ang lalantad para ano, para maglaho na lamang na parang bula? Eh, dito sa atin mahirap magtiwala dahil hindi mo alam kung sino ang dapat mong pagtiwalaan. Siguro naman kahit ako, hindi ko gagawin yun na lumantad. Marahil kapag ginawa niya iyon tiyak na katakot-takot na gisa ang gagawin sa kanya. Tama na yung malaman ng taong bayan ang nangyayari sa ating bansa tungkol sa "Pork Barrel" at kung paano ito nagiging ugat ng labis na kurapsiyon.
Sana lang makunsensiya naman sila. Ilang milyong Pilipino ang nagbabayad ng buwis para makatulong sa pagpapa-unlad ng bayan ngunit sa bulsa lang pala mapupunta - sa bulsa ng mga ganid na opisyal at ilang negosyanteng walang puso. Kaya, hindi mo masisisi kung bakit may mga negosyanteng hindi na rin nagbabayad ng kanilang tax dahil alam na nila ang kalakaran.
Siguro dapat talagang alisin na ang "Pork Barrel" na iyan ng magka-alaman kung sino ang may puso at tapat sa bayan. Peace!
No comments:
Post a Comment