Search Bar

Monday, March 25, 2013

Surigao City: Mabua-Looc Beach

Paminsan-minsan, ang buhay ay hindi lang dapat puro hirap o trabaho. Dapat kahit paano, kailangan din nating magliwaliw para maibsan ang ating mga problema. Dito sa ating bayan may mga lugar pa tayong dapat pasyalan at bigyan ng pansin gaya nitong Mabua-Looc Beach.

kuha mula sa mountain trail ng Mabua-Looc Beach
Ang beach na ito ay matatagpuan sa Barangay Ipil na tinatawag na Mabua o Looc Beach. Ang barangay Ipil ay maliit lamang ngunit may maipagmamalaking beach na maaaring dayuhin ng mga turista. Maganda ang beach na ito kung ito ay pagtutuunan lamang ng pansin ng lokal na gobyerno doon na maisulong ang turismo sa barangay na ito upang  makapagbigay ng dagdag na pagkakitaan sa mga residente rito.


Tulad ng Boracay, may potential ang Mabua-Looc Beach na maging sentro ng turismo sa Lungsod ng Surigao sapagkat hindi na kailangan tumawid pa tulad ng Siargao o Dinagat Island. Sa beach na ito, makikita natin ang mga "pebble" na iba't-iba ang laki, makintab, maputi at may iba't-ibang hugis.

Bukod dito, maituturing ding isang adventure ang pag-akyat sa Mabua-Looc Concrete Mountain Trail upang matanaw ang paligid ng beach na ito. Ang pag-akyat sa nasabing concrete trail ay nakakapagod ngunit nakakabighani na kung tawagin nila ay "300 steps (paakyat at pababa)" patungo sa kabilang dako ng beach. Mayroong itong mga private cottage at inns para sa mga gustong magpagabi sa beach.

Mula Butuan City, maaaring sumakay ng Bus patungong Surigao City. At jeep naman, mula Surigao Terminal patungong Malimono kung saan ay bababa ka ng mismong Looc sakop ng Barangay Ipil.

Gamit ang sariling sasakyan mas madaling mararating ang Looc. Halos mahigit kumulang dalawang oras ang biyahe mula Butuan hanggang Surigao. Mahigit 20 minutos naman mula sa siyudad ng Surigao.

No comments: