Search Bar

Sunday, March 10, 2013

Komisyon

Sa panahon ngayon, meron pa kayang mga "honest" na tao at sasabihin sa iyo, "Pare, hindi ako ang tipong taong nanloloko. Kung magkano ang kikitain ko tiyak meron ka dito."

Mahirap magsalita ng tapos. Minsan na akong nakatagpo ng ganitong tao at ayoko na maulit muli na siyang magiging dahilan ng hidwaan o hindi pagkakaintindihan lalo na kung milyon ang pag-uusapan. May mga taong minsan ng naloko at hindi na muling paloloko lalo na kung kaibigan pa mandin. At dahil sa kaibigan, madali tayong magtiwala. Ngunit meron talagang nasisilaw sa malaking halaga kung saan binabalewala na ang pagkakaibigan.

May mga tao naman na sa una pa lang, prankahan na kung magsalita at totoo sa usapan. Hindi nang-iiwan ng  mga kasama sa transksiyon kahit milyon na ang pinag-uusapan. Sila itong may dignidad at respeto sa kapwa. Sila itong mga matinong kausap at totohanan makipag-deal. Naniniwala sa karma at malinis ang hangarin. Bihira ang mga ganitong tao.

Naniniwala ba kayong kapag malaking pera ang involve (hal. milyon) may mga taong mahirap pagkatiwalaan. Sa mga taong ang iniisip ay komisyon at higit sa lahat ay manlamang sa kapwa, hindi nila iniisip na hindi maganda ang kanilang ginagawa. Minsan, kapag malapit ng ma-close ang deal medyo iba na ang tinatakbo ng kanilang isip. Nanlalaglag ng kasama at sikreto ng lumalakad sa transaksiyon.

Kaya nga sa mga usapang komisyon dapat maliwanag at hanggat maaari ay maglatag ng malinis na kasunduan para lamangan ay maiwasan. At dapat ang bawat isa ay tapat hindi "Traydor". Ang tiwala ay mahalaga rin sa isang kasunduan, sapagkat hindi talaga maisasagawa ang anumang usapin kung ang bawat isa ay may pag-aalinlangan.

No comments: