Marami ang nagtatanong kung paano o ano ang gagawin kung sakaling bibiyahe ng Mindanao gamit ang sariling sasakyan. Isa na rin ako sa mga nagtatanong kung paano ngunit kaunti lang ang inpormasyon na makukuha sa internet.
Noong isang Linggo, napilitan kaming bumiyahe gamit ang sasakyan nabili ng aking bayaw sa Quezon City. Naglakas loob kaming iuwi ito sa Surigao City sapagkat mahal kung ito ay isasakay sa barko. Gaya na lamang nang magtanong kami sa Super Ferry office, nalaman namin na nasa P24,000 ang babayaran sa barko ng isang Mitsubishi Spacewagon. Mahal at hindi na kaya ng budget kaya nagdesisyon na lang kami na ibiyahe ito.
Hindi namin alam kung ano ang mga requirements kapag ibiniyahe ang sasakyan. Mabuti na lamang at ayon sa isang kaibigan, OR/ CR lang daw ang kailangan. Sa madaling salita, naglakas-loob kami na bumiyahe dala ang OR/CR at Deed of Sale at ilang identification galing sa pinagbilhan ng sasakyan bilang handa sa checkpoint na madadaanan namin.
Unang pagkakataon kung bumiyahe para maihatid ang sasakyan ni bayaw patungong Mindanao. Medyo kabado na baka pagdating sa Ferry Terminal ay hindi kami makalusot. Mabuti naman at hindi gaanong mahigpit ang mga terminal at tama ang nasabi ng aking kaibigan.
Matnog Ferry Terminal
source: http://crazyweirdnormalguy.blogspot.com |
Mula Manila, inabot kami ng mahigit 15 oras na biyahe sa nakakahilong mga lugar patungong Matnog. nagsimula kaming bumiyahe ng ala-6 ng umaga upang hindi kami maligaw sa daan at para mabasa pa namin ang mga karatula sa bawat lugar na madadaanan namin. Nariyan yung may mga daang sira na inaayos para madaanan. Nariyan ang mga zigzag road at paahon na mga lugar. Sadyang nakakapagod ang biyahe at kailangan magpahinga para hindi mag-overheat ang sasakyan. kailangan mo rin kumain para may lakas sa pagmamaneho. Siyempre kailangan din ng kahalili sa pagmamaneho. Kapag hindi namin sigurado ang lugar na pinapasukan namin, nagtatanong na lang kami upang hindi tuluyang maligaw sa daan. Mabuti naman at mabait ang mga taong napagtatanungan. Ngunit may mga taong takot mapagtanungan dahil sa mga estranghero kami lalo na ang mga kabataan.
Humigit kumulang apat na libo ang nagastos namin sa gasolina patungong Matnog. Sa takbo na 100kph kailangan pa ring maging maingat dahil sa hindi pa namin kabisado ang pasikot-sikot sa daan. Pagdating ng Matnog Ferry Terminal agad naman kaming pinapasok upang kumuha ng mga ticket at magbayad ng pasahe ng sasakyan sa Ferry Boat.
Ito ang mga binayaran namin sa Matnog Ferry Terminal:
User's Fee - P25 (Car)
Bill of Lading - P960 (Mitsubishi Spacewagon) kailangan para sa Coast Guard Office for Declaration
PPA Terminal Fee - P129 (Car) P12 (per passenger)
Passenger's Ticket - P120 (per passenger) libre ang driver
User's Fee - P25 (Car)
Bill of Lading - P960 (Mitsubishi Spacewagon) kailangan para sa Coast Guard Office for Declaration
PPA Terminal Fee - P129 (Car) P12 (per passenger)
Passenger's Ticket - P120 (per passenger) libre ang driver
Dalawang oras ang biyahe ng Ferry Boat mula Matnog patungong Allen, Samar. Mula alas-11 ng gabi dumating kami ng Allen mga bandang ala-una na ng madaling araw.
Liloan Ferry Terminal
source: http://www.panoramio.com |
Pagdating namin ng Allen, Northern Samar, nagsimula na kaming bumiyaheng muli patungong Liloan. Nadaanan namin ang Calbayog, Catbalogan, Tacloban, Dulag, Tanauan, Tolosa, Abuyog at Mahaplag. Grabe ang biyahe sapagkat inabot kami ng 12 oras at gabi na kami nakarating ng Liloan, Leyte. Maraming mga daan ang inaayos dahil biyak-biyak na at hindi maganda ang pagkagawa. At ang mahirap, halos walang bahay sa mga nadadaanang lugar kaya nakakatakot masiraan sa biyahe dahil wala kang mabibilhan ng piyesa kaya dapat kondisyon ang sasakyan lalo na ang mga pang-ilalim.
May mga aspaltong maganda ang pagkagawa at mayroon din lubak-lubak. Halos karamihan ng nadaanan namin ay puro paahon at pababa. Nasa apat na libo rin ang inabot ng gasolina namin patungong Liloan Ferry Terminal.
Ito ang mga binayaran namin sa Liloan Ferry Terminal:
User's Fee - P50 (Car)
User's Fee - P50 (Car)
Bill of Lading - P2500 (Mitsubishi Spacewagon) kailangan para sa Coast Guard Office for Declaration
Arrastre/PPA Terminal Fee - P129 (Car) P16 (per passenger)
Passenger's Ticket - P300 (per passenger) libre ang driver
Arrastre/PPA Terminal Fee - P129 (Car) P16 (per passenger)
Passenger's Ticket - P300 (per passenger) libre ang driver
Inabot naman kami ng halos 5 oras na biyahe ng Ferry boat mula Liloan patungong Lipata, Surigao City. Mabagal ang nasakyan naming Ferry boat di-tulad ng Montenegro Ferry Boat na mahigit dalawang oras lang ang biyahe gaya ng bumalik ako galing ng Mindanao.
Sa kabuuan, mas malaki ang matitipid kung bibiyahe gamit ang sariling sasakyan. Maaari ka pang mamasyal sa mga lugar na gusto mong puntahan kung nais mong mamasyal at hindi ka naman nagmamadaling umuwi. Sa kabilang banda, nakakapagod lang magmaneho kaya kailangan talaga ng kapalit para makapagpahinga naman.
No comments:
Post a Comment