Minsan magtataka ka, sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lang may magtatanong sa iyo kung ilan kayo sa bahay nyo, kung lahat ba ay nakarehistro na at higit sa lahat kung ilan ang bubuto sa darating na eleksiyon. Oo, ito ang minsang naririnig ko sa ilang kapit-bahay na malapit sa ilang mga galamay ng kandidato sa eleksiyon.
2013 na, malapit na pala ang eleksiyon. Kanya-kanyang paraan na ang ilang mga kandidato nitong darating na halalan. Tahimik at maingat sila sa kanilang maagang paghahanda kung paano manalo sa eleksiyon. Nariyan yung iba't-ibang stratehiya para makalamang. Alam na ng kanilang mga galamay kung paano gawin ang kanilang mga plano. Siyempre ingat din sila na masilip ng ilang media at mga netizen.
Nang tanungin namin kung bakit nila inaalam kung nakarehistro na o ilan ang mga bubuto sa amin, sagot nila, "aalagan kayo". Kaya pala. Paano kaya nila inaalagaan ang mga botante ngayon?
Sabi nila, nariyan daw yung mamimigay sila ng grocery items. Nariyan daw yung isasali ka sa mga organisasyong makakatulong sa iyong kahirapan. At siyempre, higit sa lahat kasama ka na rin sa listahan nila na kailangang pagtuunan ng pansin. Scholarship para sa mga bata at kung ano-ano pa.
Sana lang, sa darating na eleksiyon piliin na natin ang taong nararapat at may pagmamahal sa bayan, hindi kurakot at may paninindigan. May malasakit para sa ika-uunlad ng bayan. Bumuto ng tama.
No comments:
Post a Comment