Pasko na naman. Ilang araw na lang at pasko na. Nakakalungkot isipin na ang iba ay magsasaya sa araw ng pasko ngunit ang iba ay nagdadalamhati. Mula sa balita na ito parang kinilabutan ako dahil sa dami ng namatay na parang hindi ramdam kung gaano katindi ang bagyong Pablo na dumaan ng Mindanao at naradamdaman sa ilang mga karatig bayan.
Hindi natin sukat akalain na ganito ang mangyayari sa ilan nating mga kababayan sa Mindanao. Kailan pa kaya makaka-recover ang ating mga kababayan mula sa mga matitinding pagsubok sa buhay. Nakakalungkot isipin na kung kelan pa magpapasko, siyang naman pagdating ng bagyo dito sa atin. Nasabi nga na ilang mangingisda ang pumalaot at naabutan ng bagyo. Marahil, ang iba ay pinilit maghanap-buhay kahit bumabagyo dahil sa nalalapit na pasko dahil ganun ito kahalaga sa ating mga Pilipino.
Sana naman, makabangon silang muli - ang mga naiwan ng mga biktima sa hirap at pagsubok. Sana makayanan nila ang pighati sa kanilang buhay. Sana kahit paano maging payapa ang pagdiriwang nila sa araw ng kapaskuhan sa kabila ng kalungkutan. Nawa'y patuloy na makarating ang tulong para sa kanila at hindi tumigil ang ating gobyerno at mga opisyal. At higit sa lahat, manatili ang awa at pagmamahal ng Diyos sa kanila sa kabila ng lahat.
No comments:
Post a Comment