Ito ay kuwento ng isang mag-asawang namuhay ng simple lang ng mga panahong hindi pa nag-abroad ang lalaki. Itago na lang natin sa pangalang Marie at Ado.
Si Ado, isang traysikel drayber lamang pero masipag at responsabling asawa. Mabait at pasensiyoso lalo na pagdating sa kaniyang asawa. Bagama't may pagkamataray ang asawa, lagi na lang niya itong inuunawa. Ngunit, sa kabilang banda, seloso si Ado ayon kay Marie.
Si Marie, sinasabi niyang mahirap kasama si Ado dahil sa pagiging seloso. Hindi siya pinapayagan lumabas o sumama sa mga kaibigan lalo kung hindi ito kilala ni Ado. Kaya, naman parang animo'y nasasakal si Marie. Maayos naman ang kanilang pagsasama liban sa isang bagay na ito. Kaya maayos ay dahil makikita naman sa kalagayan ng kanilang buhay at pagkakaroon ng tatlong anak, na panay babae.
Si Marie ay nangarap na noon pa na makapunta ng ibang bansa. Hindi niya akalain na isang Pilipino ang kaniyang mapapangasawa dahil talagang noon pa man, gusto niya ng isang banyagang lalaki. Ngunit ang pangarap niyang ito ay hindi natupad dahil maaga siyang nabuntis ni Ado na naging kasintahan niya sa kanilang probinsiya.
Pangarap nilang gumanda ang kanilang buhay kaya nag-apply si Ado sa isang agency para makapag-trabaho sa ibang bansa. Matagal din siyang sumubok, naghintay at umaasang makaka-alis patungo sa ibang bansa upang makapag-trabaho at kumita ng malaki. Tubero ang kaniyang inaplayang trabaho. Sa tagal ng resulta, halos mawalan na siya ng gana sa agency.
Minsan, isang kaibigan ang nag-alok ng trabaho kay Ado sa ibang bansa. Sa isang agency na mabilis na nakakapag-paalis ng mga recruit patungo sa Middle East. Sinunggaban ito ni Ado, nagbakasali. Halos dalawang buwan lang nakaalis siya kasama ang isang kaibigan na nag-apply rin sa nasabing agency. Naka-alis din dito ang ilang mga kakilala na nag-apply din sa bagong agency. Maliit lang ang kaniyang nagastos kumpara dun sa dating agency. Salary Deduction ang ibang gastos nila na sagot na ng agency. Kaya naman, ang laki ng pasasalamat ni Ado sa kaibigan ng kaniyang misis.
Ilang araw na lang, tila nalulungkot si Ado dahil iiwan niya ang kaniyang pamilya kapalit ng kaginhawaan. Tila nagdadalawang isip naman siya nang panahon malapit na ang kaniyang pag-alis. Hindi niya alam kung kakayanin niya na hindi makita ang asawa sa loob ng dalawang-taong kontrata. Ngunit kailangan para sa kanilang mga anak.
Dumating na ang oras na kailangan na niyang umalis at magpaalam sa kanyang pamilya. Bubuunuin niya ang dalawang taon upang kumita at mabigyan ng magandang kinubakasan ang mga anak. Bubuuhin niya ang mga pangarap na matagal nilang inaasam. Tiyak magiging masaya sila higit kaysa sa dati lalo na ang kaniyang asawa na pangarap talagang guminhawa ang kanilang buhay.
Sa paglipas ng oras, araw, buwan at halos isang taon hindi namamalayan na magda-dalawang taon na si Ado sa ibang bansa. Noong una, malimit pa silang magtawagan ni Marie. Nang lumaon, unti-unti na lumalabo ang kanilang relasyon, tumatabang na parang wala ng pagmamahal sa isa't-isa. Nariyan na ang pagdududa lalo pa't maliit na ang ipinapaala ni Ado sa kaniyang pamilya. Sa tuwing tumatawag si Ado para komustahin ang kanyang asawa at mga anak, hindi nasasagot ni Marie dahil nasa labas ito kasama ang ibang kaibigan, nakikipag-chat sa isang internet shop.
Habang tumatagal maraming dahilan si Marie sa asawa. Dahil sa maliit na raw ang ipinadadalang pera kaya hindi na nagkakasya sa kanilang mag-iina. Naghahanap na siya ng malaking pera para sa luho niya na inuuna pa niya kaysa sa kanyang mga anak. Na minsan, halos nangungutang na lang sila para pambili ng pagkain. Ang perang pinapadala ni Ado, sa luho napupunta - sa damit, pampaganda at pambili ng load para makapag-internet gamit ang "celfone" o kaya naman pambayad sa internet shop.
Subalit hindi alam ni Ado ang lahat dahil nagsisinungaling na si Marie. Nalalaman na lang ni Ado ang ibang pangyayari mula sa ilang kamag-anak na ka-chat niya sa Facebook. Unti-unti siyang nadadala ng problemang kinakaharap niya ngayon nasa abroad pa siya. Parang gusto na niyang umuwi para ayusin ang lahat subalit, pinipigilan siya ni Marie, na tapusin na lang niya ang kanyang kontrata. Maging ang ilang kaibigan ganun din ang payo sa kanya.
Dahilan naman ni Ado, nag-iipon siya para sa kanyang pag-uwi kaya tama lang ang kanyang ipinapadala. Dahil may balak silang umuwi ng probinsiya at magbakasyon bago man lang siya bumalik uli para sa panibagong kontrata dahil nagustuhan siya ng kanyang foreman doon sa abroad.
Isa sa dahilan ni Marie, tinatanong niya si Ado kung bakit lagi siyang online sa Facebook. Sino ang ka-chat niya? Sino ang kausap niya sa mga panahong offline naman si Marie? Isang pagdududa ni Marie kay Ado, subalit hindi naman daw niya pinagse-selosan. Malaya daw si Ado na gawin yun at maghanap ng iba at maging magkaibigan na lang sila.

Nagulat si Ado sa naging pahayag ni Marie nang magka-usap sila sa celfone. Tila hindi maisip ni Ado kung bakit nasambit ni Marie ang salitang "magkaibigan na lang". Lingid sa kaalaman ni Ado, meron na palang ka-text si Marie bukod sa mga ka-chat niya sa internet. Meron ng kinahuhumalingan si Marie, mga banyagang lalaki.
Minsan, dahil alam ni Ado ang password ng Facebook ni Marie, binuksan niya ito. Nagtaka siya ng biglang may nag-message na isang banyaga na parang matagal ng ka-chat ni Marie. Pinalabas niya na siya si Marie at kinausap ang ka-chat nito. Nais ng ka-chat niya na ulitin nilang muli ang minsan na nilang ginawa na siyang ipinagtataka ni Ado kung ano iyon. Dahil dito lalong nagduda si Ado sa mga unti-unti sikretong natutunghayan niya laban sa kanyang asawa.
Nais ni Ado na ayusin pa ang kanilang problema ngunit wala na daw siyang aasahan pa. Sa tuwing tatawag o magti-text si Marie, laging sinasabi ni Marie na ipadala niya ang lahat ng sahod niya dahil marami siyang utang. Kulang na daw ang kanyang ipinapadala. Ang ipinagtataka ni Ado, kahit naman malaki ang kanyang ipadala, hindi man lang maipasyal ni Marie ang mga bata.
Lalong lumaki ang problema nilang mag-asawa.
Iba na ang takbo ng utak ni Marie. Lagi itong balisa at iba na rin ang kanyang mga pananalita. Nakikipag-inuman na siya sa piling kaibigan. Hindi na madalas matagpuan sa kanyang bahay si Marie at hinahanap pa ng mga anak at ina sa bahay ng ilang kaibigan. Nalulong ng todo si Marie sa pakikipag-chat na halos wala ng time para sa bahay at sa mga anak. Hinahayaan niya ang kanyang ina ang maghanap ng paraan para makakain ang kanyang mga apo.
Ang dating Marie, iba na ngayon. Iba na ang mga kaibigan ni Marie. Lagi na niyang sinasabing hiwalay na sila ng kanyang asawa. Wala na sila. Mahirap daw pakisamahan si Ado. Wala na raw siyang pagmamahal kay Ado. At nais ni Marie na mangibang-bansa na rin. Nais niyang mag-asawa ng foreigner para masunod ang kanyang luho. Nakipag-date na rin siya sa isa sa kanyang mga ka-chat. Kahit may asawa, o matanda na ay pinapatulan na niya. Inaayos niya ang kanyang passport ngunit hindi siya mabigyan dahil meron problema sa kanyang status at sa mga record sa kanyang mga anak.
Nahihirapan na siya ngunit patuloy pa rin siya sa pagmamatigas na hindi na siya makikisama kay Ado dahil parang napilitan lang siya ng mabuntis siya ni Ado. Pinagsisihan ni Marie ng labis ang hindi niya pagtanggap sa alok ng isang foreingner noong araw, na sana ay nasa ibang bansa na siya kung hindi nangyari ang di-inaasahang pagbubuntis. Huli na. Kung hindi siguro sa isang kaibigan na nagturo sa kanyang makipag-chat, hindi matututo at malululong si Marie sa mga foreigner.

Mahirap pigilan si Marie. Ang gusto niya ang laging masusunod. Wala siyang pinakikinggan maging kapatid man o ina. Nagwawala si Marie kapag hindi niya kadikit ang mga taong pilit na tulungan siyang ituwid ang kanyang pagkakamali na siya ang may gawa. Iniiwasan na siya ng ilan niyang mga kaibigan na hindi makayanan ang kanyang kagustuhan.
Si Ado, hindi na makayanan ang problema. Pinalaya na niya si Marie dahil na rin sa kagustuhan ni Marie. Wala na siyang magagawa dahil mapilit si Marie. Kukunin ni Ado ang mga bata dahil pinababayaan na daw ito ni Marie. Hindi na niya ipipilit ang sarili niya kay Marie. Ang mahalaga kay Ado sa ngayon ay ang mga bata, ang kanilang kinabukasan. Tatapusin niya ang kanyang kontrata para sa mga anak.
Talunan si Ado sa kabila ng kanyang tagumpay sa pangingibang-bansa. Uuwi siyang wala na sila ni Marie. Hiwalay na sila ni Marie sa halos hindi pa natapos na dalawang taon kontrata niya sa abroad.
No comments:
Post a Comment