Nitong araw na ito, hinirang na bilang Chief Justice ng Korte Suprema si Gng. Ma. Lourdes Sereno. Kauna-unahang babaeng pinuno ng kataas-taasang hukuman ng Pilipinas.
Sa wakas natapos na rin ang matinding pagpili ng pinuno ng korte suprema. Magiging maayos na muli ang takbo ng ating hukuman.
Si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang kapalit ni dating Chief Justice Renato Corona na napatalsik sa kaniyang puwesto sa pamamagitan ng isang impeachment nito lamang May 2012. Sa edad na 52, itinuturing siya bilang pinakabata sa mga naging miyembro ng korte suprema.
Ipinanganak sa Manila noong Hulyo 2, 1960. Nagtapos ng kursong economic sa Ateneo De Manila at pagkatapos nag-aral ng abogasya sa University of the Philippines.
No comments:
Post a Comment