Noong Linggo, dakong alas-dose ng gabi, malakas ang ihip ng hangin na may kasamang ulan. Patulog na kami ngunit hindi ako mapakali dahil sa lakas ng ihip nito na halos sumisipol. Pinakiramdaman ko ang paligid, masarap ang simoy ng hangin pero nakakakaba. Iniisip ko na saglit lang ito. Iniisip ko na ulan lang.
Tahimik na ang paligid. Bahagya akong kinabahan ng marinig ko ang mga kalampag ng yero sa aming kapit-bahay pati na rin ang aming yero. Ang yero ng aming kapit-bahay ay halos matuklap na ang isang bahagi. Kaya inalam ko sa balita kung may bagyo. Meron nga at tinawag itong Gener na may lakas na 105 KPH ang hangin. Kaya naman may yellow warning na ang PAG-ASA. Ayon sa balita, kaya raw nitong bumuwal ng isang poste. Magdudulot rin daw ito ng matindig pagbaha sa ilang mga lugar ng kamaynilaan dahil sa lakas ng ulan. Tatagal din daw ito ng tatlong araw bago makalabas ng bansa.
Malakas ang ulan na may malakas na hanging sumisipol na talagang
nakaka-alarma. Maging ang aking asawa ay takot na takot na baka ilipad
ang aming atip sa lakas ng hangin. Kaya hindi kami nakatulog ng maayos
sa magdamag. Ayaw ko ng maging kampante dahil naranasan na kasi namin
yung inangat ng matinding hangin ang kalahating bahagi ng aming bubong
noong bagyong Rosing (1995) kaya ayaw ko na maranasan uli. Dinala ang
mga ito sa ibang kabahayan kaya pagkatapos ng bagyong iyon inayos namin
uli ang mga atip. Mabuti na lang at walang nagyari sa amin ng mga
panahong iyon.
Image Credit <link>
Ang mga color coding na warning na ito ay parang traffic light na binubuo ng Red, Green at Yellow. Red warning ay matinding ulan na nangangailangan ng emergency action na sinasabing higit pa sa 30 mm na tubig ang magiging dulot nito sa isang oras. Ang Green warning ay ulan na nasa pagitan ng 15 at 30 mm na tubig. Ang Yellow warning naman ay 7.5 - 15 mm na tubig ang dulot nito kada oras. Samakatuwid, alam na natin kung ano ang dapat gawin sa oras na malaman nating ganito na ang warning ng PAG-ASA.
Kaya ngayon, pag may bagyo hindi ako nagsasawalang kibo. Laging ko hinahanda ang aking sarili pati ang aking pamilya. Sabi hanggang miyerkules pa daw pero ngayon meron pa rin manaka-nakang pag-ulan na may kasamang hangin. Sana nga tuluyan ng makalabas ang bagyong Gener sa araw na ito.
No comments:
Post a Comment