Kailanman, hindi magiging maganda ang maging miyembro ng anumang fraternity na wala naman respeto at pagmamahal sa kapwa. Paano mo sasabihing na sa fraternity nariyan ang pagmamahalan, damayan at kung anu-ano pang magagandang patutsada para lang maka-akit ng bagong miyembro kung makikita mo silang bisyo ang inaatupag? Sa totoo lang, sumasali dyan ay mahina at duwag.
Matagal ng may mga nangyayaring hindi maganda sa mga fraternities lalo na pagdating sa mga iniation o anumang ritwal kung tawagin. Nariyan yung pahihirapan ka at kung anu-anong pagsubok ang susuungin mo para lang makapasa sa isang samahan. Iba't-ibang samahan, iba't-ibang pamamaraan. At walang samahan na may perpektong pamamaraan ng pagsubok sa kanilang mga bagong miyembro. Natural, nandiyan ang seniority. Ibig sabihin, kung ano ang dinanas ng mga nauna sa kanila, asahan mo ipatitikim din nila sa mga bago.
Karamihan kasi sa mga recruit nila ay mga freshmen na naghahanap ng kakampi o ka-tropa. Dahil baguhan, yung iba mapipilitang sumali.
Kung bugbog ang inabot ng mga nauna, mas matindi ang mararanasan ng mga susunod. Lalo na kung ang mga matutukang iniator kumbaga ay mga simpleng tarantado, adik at iba pa. Pero, sa kabila nito may mga taong pilit pa ring sumasanib sa isang samahan. Sila yung mga kulang siguro sa pansin, at may kaduwagan at laging naghahanap ng kakampi. Sa mga kilos at layunin pa lang malalaman mo kung tunay ba ang hangarin ng mga kasapi ng isang samahan. Kung maka-asta ay akala mo'y mga siga sa daan, walang inuurungan at mahilig sa mga basag-ulo. At hindi lang yan, kung babae ang aanib, tiyak pagsasamantalan ng mga adik na miyembro yan. Sa fraternity, kasama lagi diyan ang drugs at ibang mga bisyo na siyang nagpapagulo ng utak nila na nalululong at napapabayaan ang pag-aaral.

Masakit man isipin ang nangyari sa mga naging biktima ng hazing ng San Beda College lalo na yung bago ngayon na si Marc Andrei Marcos wala na tayong magagawa. Kailanman hindi na maibabalik ng batas o hustisya ang buhay ng mga iyon. Kung wala namang kabuluhan ang fraternity itigil na ang pagpapalaganap nito sa loob ng mga eskwelahan. Dapat bantayan din ng mga paaralan ang mga ganitong gawain na isa ring dagdag na problema ng paaralan at mga guro. Tigilan na ang walang katuturang samahan kuno.
Maging sa bawat komunidad, talamak din ang mga samahang halos may mga batang miyembro. Walang ginawa kundi maghasik ng gulo. Grupo laban sa ibang grupo.
Maging sa bawat komunidad, talamak din ang mga samahang halos may mga batang miyembro. Walang ginawa kundi maghasik ng gulo. Grupo laban sa ibang grupo.
Bakit pa kailangang sumali sa ganito? Kailangan mo pa bang patunayan na lalaki ka o matapang ka? Kailangan ba talagang suungin ang mga pagsubok na hindi na makatao? Isipin na lang natin kung paano pinili ng Diyos ang 300 kataong magiging sundalo ni Gideon laban sa mga Medianites? Kung may makakabasa ng kuwentong ito mula sa lumang tipan, tiyak maliliwanagan.
Para sa mga kabataan, iwasan ang mga frat na yan. Walang idudulot na mabuti yan sa inyo kundi tuturuan lang kayong magbisyo at magdroga. Sapagkat diyan, hindi maiiwasan ang makihalubilo sa alak, babae at droga lalo na sa gulo. Kaya tama si Raymund Narag na nagpahayag ng kaniyang damdamin tungkol sa nangyari sa buhay niya dahil sa pag-anib niya sa fraternity.

Kailangan pa bang amyendahan ang anti-hazing law? Kung kinakailangan bakit hindi, pero sayang oras dyan at dagdag gastos lang. Kung maaari nga lang dapat talaga alisin na yan mga yan (Fraternity) dahil salot lang yan.
No comments:
Post a Comment