Ito ay base sa ulat ng Radyo Patrol. Isang Linggo na kasing naka-red alert status ang La Mesa Dam at kahit ngayon patuloy pa rin ang pag-ulan. Nitong Sabado nga ng alas-dos ng hapon umabot na sa 79.81 ang tubig. Kapag umabot na sa 80.15 meters ang spilling level ng Dam, tiyak aapaw na ito at apektado na naman ang Tullahan River maging ang mga malalapit na lugar sa paligid nito. Ang Marikina nasa 3rd alarm na.
Naabisuhan na umano ang mga lokal na opisyal, kaya siguro naman, maiiwasan na ang anumang matinding epekto nito kung sakali. Magiging alerto na rin ang mga tao para maiwasan ang mga sakuna. At kung may mangyaring kapabayaan, walang ibang masisi nito kundi ang mga lokal na opisyal pati ang mga kinatawan nito dahil sa kanilang kapabayaan na ipatupad ang paalala ng PAG-ASA o ang anumang paghahanda.
Sana pakinggan din ng mga tao ang paalalang ito na manggagaling sa mga lokal na opisyal nang sa gayon ay magin safe sila at ang kanilang pamilya. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang anumang trahedya dulot ng katigasan ng ulo. Matuto silang tulungan ang kanilang sarili upang mabawasan din ang mga problemang kinakaharap ng ating bayan.
Ito ang mga suspended na klase ngayon lunes.
No comments:
Post a Comment