Nakakatawa naman itong isang senador ng bayan na kahit alam na kung saan galing ang ilang bahagi ng kaniyang speech halos ayaw pang tanggapin ang katotohanan. Yan ang nagdudungan pero ultimo speech na kailangan pang mangopya. Puwede mo sigurong i-quote ang ilang portion na galing kaninuman pero yung halos lahatin mo ay hindi talaga maganda. Kung sa school medyo okay pa ang mangopya pero iyong nasa posisyon ka na at isa kang ng senador ng bayan na may pangalan at karangalan, dapat mong itong pangalagaan. Sapagkat, ang tingin sa iyo ng tao ay isang taong iginagalang at hinahangaan.
Siguro tanggapin na lang ng buong puso kung anuman ang pagkakamaling nagawa at baguhin ito na hindi na maulit muli. Pero, bagkus na magpakumbaba, mariin pa nitong pinalalabas na "It's just a blog and has no copyright". Tila nagmamatigas pa at ipinakikita sa madla kung sino siya sa larangan ng showbiz o sa pulitika. Isang kahihiyang hindi kayang panindigan di-tulad ng ilang putiliko sa ibang bansa na marunong magpakumbaba at kusang bumababa sa puwesto kung kinakailangan na may prinsipyo at dignidad. At bakit nga ba kailangan niyang humingi ng patawad? Iyon ay kung gusto niyang ipakita na kaya niyang magpakumbaba.
Hindi ba't nakakahiya na sa isang blogger ka pa kukuha ng iyong mensahe kung isa kang senador ng bayan.
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang opinyon. Hindi dahil isang hamak na tao lamang o isang blogger na halos karamihan ngayon ay alam na kung ano ang blogging, ay basta mo na lang hahamakin. Karamihan sa mga blogger ay may sariling lathalain na sila mismo ang may gawa. Sinusulat nila ang mga artikulo ayon sa kanilang nalalaman at tamang pagsisiyasat. Siguro naman, karamihan sa mga blogger ay hindi basta-basta sumusulat na para kumukopya ng bawat talata.
Hindi ganun kadali ang ginagawa ng isang blogger. Pinagpupuyatan din niya ang kaniyang sinusulat. Hindi lang para makapagsulat kundi para ibahagi ang wastong impormasyon sa buong mundo. Ang mga blogger ay may sariling panuntunan pagdating sa pagsusulat. Maingat sila sa mga salitang binibitiwan at inilalathala gaya na rin ng mga taong nasa linya ng pag-uulat ng mga balitang makatotohanan. Oo, maraming blogger ang hindi pa bihasa sa larangan ng blogging pero kahit paano, marunong din mag-isip kung ano ang dapat at hindi dapat isulat o ibahagi sa mundo - sa lahat ng tao. At kung kailan o kailangan bang i-publish ang mga artikulong ginagawa.
No comments:
Post a Comment