Sa tumitinding laban ng Pilipinas versus China tungkol sa Panatag Shoal at ilang bahagi ng Spratly Island lumalabas na nanganganib ang ating bansa sa hangarin nitong maangkin ang nasabing lugar na kilala sa tawag na "Bajo de Masinloc" noong panahon.
Isang depensa ng China ang mapang ipinakita noong 1947 ang kanilang pinanghahawakan. Sa panahon ng Yuan Dynasty, isang astronomer ang dumako roon noong 1279 bilang bahagi ng kanilang ginawang pag-survey. Patuloy ang kanilang depensa base sa kanilang pinaniniwalaan na sa kanilang ang mga lugar na nasa loob ng South China Sea.
Samantalang ang Pilipinas, ang mapa noong 1734 na nagpapatunay ng pagma-may-ari ng Panatag Shoal na gawa ng Spain. Isa na rin sa basehan ng Pilipinas ang mapa noong 1792 ng Malaspina Expedition na nalimbag noong 1808 sa Madrid, Spain. Ngunit, parang lumalabas ngayon na tanging ang international Law (UNCLOS at ITLOS) na lamang ang paraan ng ating bansa upang maayos ang nasabing usapin sa teritoryo na siya namang inaayawan ng China.
Kaya naman, sa tuwing may isyu tungkol sa Panatag at sa lantarang pangbu-bully ng China sa Pilipinas walang magawa ang ilang nating mga kababayan kundi ang daanin na lang sa ibang paraan kung papaano labanan ang China. Isa na rito ang salitang "I-boycott ang Chinese Products". Ganito ang laging nababasa kong comments tuwing may issue tungkol sa Panatag Shoal at Kalayaan Island na sinasabing teritoryo ng ating bansa.
Ang ilan sinasabing mag-donate na lamang ng halagang pambili ng mga makabagong armas pandigma upang palakasin ang ating depensang militar bilang paghahanda kung sakaling patuloy na gumawa ng hakbang ang China laban sa ating bansa. May ilan naman na dapat ilaan muna ang "Pork Barrel" sa pagpapalakas ng ating depensang militar upang sugpuin ang anumang planong pananakop na mangyayari sa hinaharap. Ngunit nakikinig kaya ang ating gobyerno? Makikiisa kaya ang ating mga kababayan?
Kung sakaling iwasan natin ang pagbili ng mga produktong gawa sa China, gaano naman kalaki ang epekto nito sa kanila?
Sa tingin ko halos lahat yata ng produktong nasa ating paligid ay gawa mula sa China. Kaya, duda akong hihina ang kanilang ekonomiya kung sakaling mangyari ito liban kung tutulong ang ibang bansa sa ganitong ideya. Malayong mangyari na humina sila dahil dito pa lang sa atin, halos umaasa na ang pinas sa mga produktong gawa sa China. Siguro kung magiging marunong ang mga negosyanteng pinoy na ilagay sa tamang presyo ang kanilang produkto na may kalidad at abot-kaya ng ating mga kababayan, tiyak na tatangkilikin natin ito ng lubos. Ngunit mahirap na sigurong labanan ang China sa presyuhan dahil sa mga makinarya na gawa nila na kayang gumawa ng maramihan.
Sa bandang huli, tanging ang pagkaka-isa na lamang ng mga pinoy at ng ating mga namumuno ang kailangan upang labanan ang mga ginagawa ng China laban sa atin ngayon. Ikaw kaisa ka ba sa mithiing ito?
No comments:
Post a Comment