Search Bar

Wednesday, June 27, 2012

Paano Kumita Para Makatulong Sa Buhay?

Isa sa problema ng bawat tao ang pera o kabuhayan. Kung mapapansin natin lalong-lalo na sa ating paligid, marami ang mga taong tambay. May mga babae ngunit mas higit ang kalalakihan. Hindi ba tayo nagtataka kung bakit araw-araw ganun ang kanilang ginagawa? Kung hindi tumambay sa kanto, maghapong nasa loob ng bahay na wala naman ginagawa o pinagkakakitaan.

Ano-ano ba ang puwedeng pagkakitaan?

Maraming puwedeng pagkakitan sa maliit o tamang halaga. kailangan lang alam natin kung paano gawin o handa tayong pag-aralan ang sistema. Sa pagnenegosyo, hindi kailangan malaki ang puhunan kundi ang determinasyong matutong mag-negosyo at palaguin ang negosyong gustong-gusto mo. Marami sa atin ang may takot na pumasok sa pagne-negosyo dahil sa kakulangan ng puhunan at kaalaman lalo na yung mga may edad na at walang pinag-aralan. Kaya nga may mga programang tumutulong na maintindihan natin ang tamang proseso sa pagne-negosyo.

Puwede kang magsimula ng Rush ID sa isang maliit na bahagi ng iyong bahay na alam mong wala ka pang kalaban. Ito ang mga kailangan mo:
  1. Digital Camera (12MP)
  2. Computer
  3. Printer
  4. Tela na Kulay Pula, Puti at Asul
  5. Photoshop o software na pang-ID
Sa rush id may kalakihan nga lang ang puhunan pero kung meron ka na ng lahat na ito maaari mo ng simulan hanggang sa kalaunan maaari ka ng magdagdag ng ibang serbisyo na gamit ang computer.

Nais ko lang lang ibahagi ang mga itong nabasa ko para sa mga nagnanais kumita at umunlad. Ito ang mga sumusunod:
  1. Paggawa ng mga Pabango
  2. Pagluluto ng Puto
  3. Paggawa ng Ice Cream
  4. Paggawa ng Banana Chips
  5. Paggawa ng Aromatherapy Air Freshner
  6. Pagluluto ng Donuts
  7. Paggawa ng Homemade Fruit Preserves
  8. Pagluluto ng Siopao
  9. Paggawa ng Chocolate Candies
  10. Paggawa ng Gift Baskets
  11. Paggawa ng Stuffed Toys
  12. Paggawa ng Liquid detergents
  13. Paggawa ng Polvoron
  14. Pagluluto ng Fish Siomai
  15. Paggawa ng Skinless Longganisa
Sa mga ito maaari ka na ng magsimula mula sa halagang P500 hanggang P3,000. Ito ang kumpletong detalye at kaparaanan <click ito>

Sa tamang kita makakatulong ka na. Samahan ng tiyaga at pagpapahalaga sa negosyo uunlad ka.

4 comments:

Unknown said...

Meron namang online business pra sa mga pinoy na gusto sa bahay lang ang work


http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/5858501/Earn+money+working+at+home

sundan nyo lang ung link at nanjan ung easy steps
goodluck :)

Anonymous said...

Thank you for sharing.
Please visit our page: real estate philippines

Mony Freed said...

Hindi lang sapat ang kumita, kailanga'y magtipid rin para hindi mabilis maubos ang pera. Kaya nga'y tingnan na ang mga ganap sa realty services.

Mony Freed said...

Always be wiser in your choices and you'll be in the right path. I suggest house design philippines to soothe your mind and think big for your dream house.