Bakit nga ba ganito ang ganito ang sistema sa atin? O sadyang hindi lang talaga pansin ng Manila Post Office ang kahalagan ng mga sulat na kailangang mai-deliver sa Mindanao?
May 23, 2012, pinadala ng pamangkin ko ang mga dokumento para sa kaniyang kapatid mula Japan patungong Mindanao. Sabi ng postal office sa Japan, 7-10 days lang daw nasa Pilipinas na ang mga dokumento. Dahil walang EMS sa Mindanao, kaya napilitan siyang i-registered mail na lang ang mga dokumento.
Nang i-verify nila kung nandun na ang mga sulat, sabi sa kanila wala pa daw kaya kailangan alamin dito sa Manila kung andito pa ba sa Philipost. Nang puntahan naman ng asawa ko ang nasabing Phil Post sa may Domestic terminal malapit, ang sabi mahirap daw malaman kung nasa kanila pa at kung gusto talagang malaman kung nandito pa sa Manila, dapat daw puntahan na lang sa Manila Post Office. Mahirap talaga.
Hanggang ngayon wala pa rin ang registered mail. Dahilan ng Phil Post baka delay lang daw. Walang kuwenta ngunit wala naman magawa kundi maghintay na lang na ma-expire ang mga dokumentong ipinadala.
Ganito talaga kakupad magpadala ng mga sulat dito sa atin kaya naman mas mainam pang magpadala sa Fed-Ex o LBC basta makarating lang ng maayos ang ating sulat o dokumentong padala.
No comments:
Post a Comment