Kahapon, inutusan ko ang pamangkin ko na ipabago ang maling apelyido ng Postal ID niya sa Postal Office sa May FTI, Taguig City. Kumbaga isang letra lang ang papalitan para maitama ang apelyido upang hindi magkaroon ng problema sa paglalakad ng ibang papeles na kailangan ng mga identification card.
Iniisip ko na gasino lang ang idadagdag sa pagpapalit ng letra. Iniisip ko na mura lang. Ngunit sa di-inaasahan, pinagbayad pa rin siya ng P375 na katulad ng bayad sa pagkuha ng bagong Postal ID.
Grabe talaga ang mga pamamaraang ganito kaya marami ang pinoy na namemeke na lang dahil halos ang isang araw mong kita eh sa ganito lang mapupunta. Kaya naman, hindi maiwasang magsermon. Pati katamaran sa pag-aaral naisusumbat ko na dahil tamad silang (ang mga bata) palaguin ang kanilang nalalaman kahit sa mga simpleng bagay tulad na lamang ng pagfill-up ng tama.
Mahirap talaga kapag hindi tsini-check ang mga spelling bago ipasa ang application form dahil kapag nagawa na mapipilitan kang ipabago o kaya naman ay magpagawa ka ng affidavit of discrepancy.
Dapat sana pinag-aaralan din ng mga Postal Office kung paano makakatulong sa mamamayan na makakuha ng maayos na Postal ID - na kapag may mga kaunting mali ay maitatama ito sa abot-kayang halaga lamang. Hindi katulad sa halagang katumbas na rin sa pagkuha ng bago. Kung tutuusin kapirasong papel lang naman iyon at picture ID. Ang lamination hiwalay din ang bayad. Kaya maraming pinoy ang umaangal sa ganitong klaseng serbisyo ng ating gobyerno.
No comments:
Post a Comment