3rd year palang ang aking step-son at labin-limang taong gulang pa lamang ngunit makikita na sa kaniya ang talino at kakayahang gawin ang mga bagay na maaaring niyang matutunan. Bata pa lang ay sinanay ko na sa wastong paggamit ng computer at maging ang pag-aayos kung sakalin masira ito. Madaling maka-unawa at mabilis niyang natututunan ang mga bagay-bagay.
Tanging ang wastong edukasyon lamang ang maibibigay namin sa kanya upang gumanda ang kaniyang buhay na siyang tanging hangad nating mga magulang.
Ang ALS Graduation na ito ay naganap nitong buwan ng Hunyo 08, 2012. Kasama dito ang mga may edad na at may mga asawa na, na nakapasa rin ng ALS examination.
Dahil sa nakapasa siya sa ALS, hindi na niya kailangang dumaan ng 4th year high school. Graduate na siya at ito ang patunay na siya ay nagtapos na ng High School. Naka-libre na kami ng isang taon.
Kaya naman ngayon pasukan, malungkot ang kaniyang mga kaklase dahil wala na siya sa grupo nila sa high school. At isang panibagong hamon na naman sa kaniyang kakayahan ang pagpasok niya sa kolehiyo.
kasama ang kaniyang guro |
Sa edad na 17, matatapos niya ang kaniyang kursong Computer Technology bilang preparasyon sa inhenyirong kurso.
Salamat sa kaniyang guro na humikayat sa kanya na kumuha ng examination upang magbakasakaling makapasa. Kung hindi dahil sa kaniyang guro, marahil mananatili pa rin siya sa ika-apat na taon sa High School.
Salamat sa kaniyang guro na humikayat sa kanya na kumuha ng examination upang magbakasakaling makapasa. Kung hindi dahil sa kaniyang guro, marahil mananatili pa rin siya sa ika-apat na taon sa High School.
No comments:
Post a Comment