Hindi maikakaila na sa bawat araw ang tao ay nagiging masaya kapag may internet dahil dito lamang nila makikita kung ano ang mga pagbabagong nagaganap sa mundo. Nariyan ang mga kuwentong kataka-taka at nakakatuwa. May Kuwento o balitang nakakatakot lalo na kung ang paksa ay tungkol sa mga alitan ng iba't-ibang bansa gaya na lang ng Pilipinas at China dahil sa Panatag Shoal o Huangyan Island. Sa internet mo lang matutunghayan ang mga bagay na hindi mo mapapansin sa iyong paligid dahil ang tao ay nagiging mapag-masid na ngayon.
Kapag walang internet, parang nakakabagot lalo na kung nasa bahay ka lang o kaya naman ay mga mga importante kang bagay na gusto alamin. Siyempre, una na riyan ang Facebook, sapagkat nandiyan yung mga mensahe mula sa mga mahal sa buhay, mga komento at iba pang pagbabago sa paligid ng mga profile ng mga kamag-anak at kaibigan, ka-opisina at ka-negosyo. Kahit ang mga politiko nga eh hindi na rin pahuhuli para lalo silang makilala. Lalo na ang mga taga-showbiz, mga artista, kolumnista at iba pa.
Maging ako, hindi mapakali kapag walang internet. Dito lang ako nakakapulot ng mga bagong impormasyon at mga balita. Mas makakatipid ka kumpara sa bumili ng dyaryo, magsasawa ka kung balita lang ang hanap mo dahil kahit mga balita sa ibang bansa ay mababasa mo na rin.
Ilang araw din akong walang internet dahil sa naglolokong serbisyo ng Smart Bro sa akin. Kahit itawag mo man sa kanila, sasabihin sa iyo, "oobserbahan muna". Minsan sa loob ng isang araw, isang oras o dalawang oras meron tapos maya-maya wala na naman. Ang buhay talaga ng isang subscriber hindi tiyak.
Pero ngayon, ito masaya na naman dahil mula kahapon umigi na ang koneksiyon ko. Nabasa ko na ang mga mensahe ko sa Facebook at Yahoo. Sana laging maganda ang koneksiyon para makapag-blog na rin.
No comments:
Post a Comment