Masaya ako na marinig na talagang sa Pilipinas na ang "Benham Rise". Isang bagong pag-asa sa ekonomiya ng ating bansa. Higit pa, isang pag-asa sa buhay ng ilang milyong Pilipino na uhaw na sa pag-unlad ng ating bansa. Ngunit ang nakakalungkot nga lang, baka naman hindi ang Pilipinas ang mas makinabang sa likas na yaman na taglay nito o kaya naman ay mga ganid na opisyales ng gobyerno ang magsasamantala.
Sinasabing noong 1933 lamang nadiskubre ang lugar na ito at noong 2008, nagsumite ang bansang Pilipinas ng petition ng pagmamay-ari sa nasabing lugar sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ngayon nga, ipinagkaloob na ng UNCLOS ang Benham Rise ayon Kay Secretary Paje.
Ang Benham Rise ay may lawak na 13 Milyon ektarya na sinasabing mas malaki pa sa Luzon kasama ang Samar at Leyte.
Mahirap yung panay na lang matatamis na salita ang sinasabi ng pamahalaan ngunit wala namang plano na paunlarin ang lugar na iyon at hahayaan lang hanggang iba pa ang makinabang.
No comments:
Post a Comment