Minsan dahil sa kahirapan kaya tayo nagigipit. Kahit may mga kapamilya tayong nakaka-angat sa buhay napipilitan pa rin tayong magpagamot sa isang hospital na halos hindi na makayang pagsilbihan ang lahat ng pasyente.
Ginagawa natin ito para lamang makatipid. Lalo pa kung sa tingin natin may kalakihan ang magagastos natin kung kailangan ang operasyon. Kaya kahit malayo, nagtitiis at maaga pa lang pumipila na para lang makapag-pagamot. Sabi ng kapatid ko ganun talaga kailangan mong magtiis sapagkat ikaw ang may kailangan.
Ayon sa kanilang nakita at naobserbahan, talagang mahirap daw ang pumila sa Phlippine General Hospital. Kaya maaga pa lang nakapila na ang mga pasyente para makahabol sa cut-off. Kapag cut-off na, bukas na naman uli, panibagong pila at pagtitiis.
Ngunit, ang hindi raw maganda ay yung may mga pasingit dahil yung iba kakilala o may kakilalang nagta-trabaho dun. Kumbaga, hindi nakapila pero siya pa ang inuuna. Paano naman yung halos galing pa sa malalayong lugar?
Meron ngang nagwala dahil buntis ang asawa, tapos bigla alas-10 pa lang cut-off time na kung saan alas-12 naman daw ang cut-off time. Hindi tuloy sila na check-up. Siyempre walang magawa ang tao kundi maghimutok. At kahit ano pa ang sabihin nila, manhid na daw ang mga doktor at nurses sa ganoong pahaging sabi ng isang janitress dun. Sa tagal na niya doon, araw-araw ganyan ang nangyayari.
Masyadong unfair dahil lahat naman kailangan ng check-up.
No comments:
Post a Comment