mula sa Philippine Star |
Sana nga maipasa na ang bill na ito na tinawag ng Anti-Spitting Act or House Bill 5901. Ito ay isinusulong ni Rep. Eulogio Magsaysay ng AVE Party List. Ang multa ay P500 - P2000 at kulong na anim na buwan para sa ikatlong paglabag.
Hirap lang baka isa na naman ito sa pagmumulan ng kurapsiyon dahil ang tao, kapag nahuli makiki-usap talaga yan para hindi magmulta.
Kung sabagay, maganda rin kung maipasa ito para mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran o mga lansangan. Kahit paano mababawasan ang dura na maaaring makapagdulot ng sakit sa mga mamamayan.
Kaso, paano kaya yung mga driver na ang hilig dumura sa labas ng sasakyan? Minsan ko na kasing naranasang matalsikan ng dura habang naka-motor. Kaya kapag, nagmamaneho ako gamit ang solo motor, iwas ako palagi sa malapit sa mga jeepney dahil marami ang walang pakialam kung dumura.
Kaso, paano kaya yung mga driver na ang hilig dumura sa labas ng sasakyan? Minsan ko na kasing naranasang matalsikan ng dura habang naka-motor. Kaya kapag, nagmamaneho ako gamit ang solo motor, iwas ako palagi sa malapit sa mga jeepney dahil marami ang walang pakialam kung dumura.
Para sa akin, kung may mahuhuli sa akto bagkus na pagmultahin ay ipalinis na lang sa kanya ang dura niya na yung tipong mapapahiya sa harap ng tao para madala. Sigurado namang magtatanda ang sinumang mahuhuli dahil sa takot mapahiya. Mas mainam ito para yung makakakita ay makaramdam din ng pagkatakot.
O kaya naman, sa oras na maipatupad ang batas na ito dapat makipag-tulungan sa mga eskwelahan para maturuan ang mga kabataan sa simula. Nawa'y makipag-tulungan din ang bawat lungsod sa pagpapatupad nito. Sa ganitong paraan, maimulat sa mga kabataan at bawat mamamayan ang ganitong mga batas.
Pero bagkus na paisa-isa, bakit hindi na lang nila pag-aralan muna kung paano pagsamahin sa iisang batas ang bawal na pagdura, pag-ihi, pagdumi at kung anu-ano pang bawal na magdudulot ng kalat sa kapaligiran.
Hirit ko rin lang, isunod na rin ng mga mambabatas ang panukala sa pagkakaroon ng garahe para maiwasan ang pagparada ng mga sasakyan sa kalsada at mga makikipot na kalye na halos hindi na madaanan ang mga ito. kung may sunog ay hindi agad nakakaresponde ang mga bombero.
No comments:
Post a Comment