Search Bar

Saturday, April 21, 2012

Mahal Bang Magpagawa ng Computer?


Halos lahat na ng tao ngayon eh may mga sarili ng computer. Yung iba segunda-mano at karamihan ay bago ang binibili. Mas magaan daw ang maintenance sa bago kumpara sa segunda-mano. Pero, para sa akin depende rin sa mga gumagamit. Kung tutuusin kahit bago o luma ang PC mo at nasira, parehas lang ang singil depende pa sa uri ng gagawin. Nasa pag-iingat lang naman ang paggamit ng computer lalo na sa mga laptop o kaya netbook computers. Pag desktop, mas mura ang paayos kumpara sa laptop. 

Karaniwang sira ng computer:

Windows Operating System - madalas itong ma-corrupt lalo na kung may kalumaan na ang hard disk o kaya may bad sectors na. Kaya, kailangan nito ng bagong hard disk. Puwede rin ang partitioning para makapag-install ka ng Operating System sa bahagi na walang bad sector. Wag lang mangyari na ang bad sector ay nasa mismong unahan.

Memory - bihira naman masira ito. Minsan hindi ito gumagana kung hindi ito nakasalpak ng maayos sa tinatawag na memory slot. O kaya naman, ay medyo madumi na ang mga pin ng memory. Puwede mo naman gawin ito ng ikaw lang sa pamamagitang ng pagkalas at pagbalik na muli para magkaroon lang ng kontak ang slot at memory.

Video Card - kadalasan ito ang sira lalo na kung babad ang computer sa paglalaro ng mga games na matataas ang graphics. May mga card na tumatagal at meron namang ilang buwan pa lang sira na. Minsan tulad ng memory, hindi lang maigi ang pagkakaupo nito sa slot nito. Kaya puwede mo ring subukan baklasin at ikabit ito para gumana kung ito ang pakiramdam mong sira ng PC mo. Kung minsan mas maigi pa yung mga board na may built-in na video card.

Hard Disk - minsan sa ingay pa lang malalaman mo kung maayos pa ito o hindi na. Kadalasan dahilan pagkasira nito ay bad sectors nga. Minsan nadadala pa ito sa pamamagitan ng partitioning - iyong hinahati mo ang 80gb sa tig 40gb. Sabi ko nga wag lang na nasa unahan ang bad sector dahil problema talaga yan. Puwede rin ang regeneration ngunit mas matagal na proseso depende sa capacity nito. Kung 160 gb mas matagal, depende pa sa bilis ng computer mo. Mas mainam bumili ng bago o kaya segunda-mano na alam mong ayos pa dahil sa regeneration umaabot sa isang araw o higit pa ang pag-regenerate (tatanggalin pati bad sectors)

Ang Singilan kung check-up lang, karaniwan ay P150. At kapag may minor na aayusin aabot yan sa P350 hindi kasama ang papalitang piyesa kung meron man.

Kung formatting naman, karaniwan, P500 (desktop) talaga ang singilan lalo na kung may iba ka pang kahilingan na software installation katulad ng mga laro. Kung laptop naman, P700-1500. Kung bakit mas mahal ang laptop ay dahil mas mahirap itong gawin o baklasin.

Para makaiwas sa malaking gastos, lagi nating titingnan kung gumagana pa ang mga fan (heat sink) na nakakabit sa processor lalo na ang laptop na kadalasan ay sintomas ng labis na pag-init o overheating.
Enhanced by Zemanta

1 comment:

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng Online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/