Ang lugar ng Banawe ay kabilang sa lungsod ng Quezon City. Noon pa man kilala na ang lugar na ito pagdating sa mga pangangailang pansasakyan. Dito mo maaaring makita ang mga piyesang kailangan mo sa sasakyan mapa-automatic o manual na wala sa iba gaya ng Evangelista, Blumentritt o Kalookan.
Kamakailan lamang, napagawi ako dun dahil sa paghahanap ng piyesang pang-ilalim - isang front differential na pang Vitara 96 Model. Doon ako napagawi sa kalye kabignayan. Una kong nadaanan ang isang Baltak's Merchandise. Marami na akong nadaanang mga parts dealer ngunit wala ang hinahanap ko.Tapos napuntahan ko rin ang Kingpin Automotive kung saan doon na ako nagtagal dahil meron silang piyesa na hinahanap ko.
P12,000 (Agent's Price) |
Medyo makulit yung ahente na lumapit sa akin dahil talagang ipinakita pa sa akin yung piyesa mula sa di kalayuang bodega. Halos ayaw pa niyang ipakilala sa akin yung may-ari dahil baka mawalan pa siya ng kita. Todo kumbinsi siya para kunin ko ang piyesa na sa tantiya ko nasa kalahati lang ang presyo nun. Pero hindi ko naman agad kinuha ang piyesa dahil may kamahalan na halos kaunti na lang ang deperensiya sa bagong piyesa.
Naisip ko hindi bapat magmadali sa pagbili ng piyesa dahil baka marami pang mas mura kumpara sa inaalok sa akin. Mahirap magpadalos-dalos dahil baka magkamali ako ng bili. Ang layo ko pa naman dahil magmumula pa ako ng Taguig. Hindi talaga ako tinantanan ng ahente ngunit hindi naman ako nagpadala sa mga awit niya.
Halos hindi ko na napuntahan ang ilan pang mga dealer doon dahil kung isa-isahin ko, tiyak mapapagod ako ng husto.
Kung gusto mong pumunta doon maaaring makatulong ang blog na ito sa pagpunta mo roon.
No comments:
Post a Comment