Para sa kamera. (Photo credit: kamalayan)
Ang ibang tao, abala sa paghahanap-buhay para matugunan ang pangunahing pangangailangan ngunit may mga tao naman abala sa pagpaparami kahit mahirap na ang buhay.
Hindi na mapipigilan ang pagdami ng ating populasyon dahil sa kawalang ng pagpa-plano ng isang pamilya. Ang mahirap kasi, tulad na lang ng nagiging problema sa ngayon ay ang kakulangan sa pagkain at pangtustos ng mga pangangailangan sa araw-araw. Nariyan yung pamasahe para makapasok sa trabaho, baon para sa tanghalian at pangangailangan ng mga bata sa pag-aaral. Sa araw-araw, iba't-ibang problema ang kinakaharap ng bawat tao. Ang pinakamasaklap, tumataas ang mga bilihin, ang sahod hindi naman tumataas. Mahirap ding humanap ng trabaho, kung mababa lang ang naabot mong pinag-aralan tiyak magtitiis ka sa mababang trabaho at mababang sahod.
Minsan, may mga pagkakataon hindi inaasahan tulad ng pagkakasakit, aksidente o anumang karamdaman kailangang lunasan. Sa mahal ng gamot hindi lahat ay natutugunan ang palalang sakit o karamdaman. At kalimitan magtitiyaga ka na lang sa mga Generics ngunit hindi naman gaanong mabisa.
Asahan mo, kung isa kang pamilyado at ang sinasahod mo ay para lang mabuhay sa bawat araw at makakain ng tama eh okay lang. Ngunit, kung marami kang anak at kada-taon, nagda-dagdag ka ng anak malamang mahihirapan ka ng todo lalo pa't ikaw lang ang kumakayod. Kahit anong pagtitipid ang gawin mo, hindi na mapagkakasya ang limang daan sa panahong ito dahil sa dami ng mga bagay na aakit sa paningin mo.
Ang pagpa-plano ay tunay na mahalaga sa lahat ng bagay. Sa pamilya dapat, nariyan din ang "Family Planning". Isa bagay na makakatulong para maging maayos ang buhay pamilya. Pigilan ang init na nararamdaman lalo na sa panahong parehas na mapusok ang mag-asawa. Ilagay sa ayos ang tamang agwat sa pagkakaroon ng mga anak. Isipin ang kinabukasan ng bawat isa, maging ang kinabukasan ng mga bata. Kapag doremi ang pagkakasunod ng mga bata, asahan mo doremi rin ang pangangailangan nila.
Paano kung dumating ang di-inaasahang pagkakasakit, tiyak masisiraan ka ng bait. Sa klinika pa lang gagastos ka na ng malaki. Sa ospital naman, sangkatutak na paliwanag muna bago ka mai-admit. Karaniwan, sa reseta pa lang mamumulubi ka na sa gastos lalo na kung malala ang sakit ng iyong kapamilya. Idagdag mo na ang maintenance sa gamot at isipin mo na ang babayaran mo paglabas ng ospital. Paano kung walang kang naipong pera o naitabi man lang at Lalo na kung wala kang kamag-anak na malalapitan, kaibigan o mauutangan. Mahirap. Bihira ang nagpapahiram ng pera sa panahon ngayon dahil maaaring iniisip nila kung paano ka makakabayad. Bihira din ang mauutangang hindi nagpapatubo at ang kadalasan ay 20% pa ang tubo. Mapipilitan kang pumasok sa ganitong interes lalo na kung kailangan mo na. Mahirap ding mangutang kung alam ng hinihiraman mo na mahirap kang singilan. O kaya ay sira na ang pangalan mo dahil sa tsismis ng iba.
Napakahalaga na bigyan pansin ang tamang pagpa-plano ng pamilya. Hangga't maaari, dapat malayo ang agwat ng bawat supling upang mabigyan sila ng tamang pagkain, damit, at edukasyon. Isa pa, upang maging malusog ang bawat isa. Isipin na lang natin kung sampong tao ang maghahati sa isang kilong bigas, ulam at prutas. Isipin na rin natin kung isa lang ang magta-trabaho para sa sampung tao. Hindi ko mawari. Ngunit marami ang sadyang malalakas ang loob na magparami, tapos sa gobyerno ang sisi.
Nabubuhay tayo sa isang maunlad at sibilisadong lugar ngunit dahil sa kawalan ng pagpa-plano sa lahat ng bagay, nauuwi ang lahat sa kahirapan. Kawalan ng maayos na tirahan. Kakulangan sa edukasyon at ibang pangangailangan ang nag-uudyok sa ilang miyembro ng pamilya na pumasok sa masasamang gawain. Unti-unti, nagiging marumi ang ating pamayanan. Kulang sa disiplina ang mga tao at nagiging magulo ang paligid. Dahil sa hirap ng pamumuhay, nagiging kumplikado ang lahat.
No comments:
Post a Comment