Search Bar

Monday, March 5, 2012

Kahit Katiting Tinatalo Pa

May mga tao talagang walang pakialam kahit kapit-bahay o kakilala papatusin pa. Palibhasa walang alam kundi ang magnakaw. Hindi nila iniisip kung ano ang sakit na idinudulot nila sa kapwa nila. Kahit isang maliit na negosyo walang patawad. Hindi lang nabigyan ng fish ball pinag-interesan ang bisiklitang gamit sa pagtitinda.

Pagmasdan nyo mga kaibigan. Hindi na sila naawa sa mga taong nagsisikap na mabuhay ng maayos.

Hindi lang nabigyan, eh mantakin nyo bang kinaumagahan, ninakaw ang bike na ito at natagpuan na lang sa ibang lugar na wasak na. Ang masaklap kakilala lang naman. Kaya ang ginawa ng may-ari, pina-blotter niya sa baranggay para madampot kung sakaling makita. Habang pinagpapasensyahan, umaabuso. 

Ngayon, nagtago na yung binatilyong dumali nito. Wala man lang narinig mula sa mga magulang nito kahit paumanhin.

Maayos naman ang pangangatawan pero bakit ayaw magbanat ng buto. Ayaw magtrabaho, bagkus pagnanakaw ang gusto. Pagkatapos, magtatago kapag nakagawa ng di mabuti.

Ang isang vendor na tulad nito, grabe ang sakripisyo. Nagtitiyaga sa gitna ng init para lamang kumita ng kaunti at mapakain ang kanilang pamilya. At kung minsan gabi na rin kung umuwi lalo na kung matumal ang benta nila. Araw-araw nila pina-iikot ang kaunting kapital na ginagamit nila sa pagtitinda.

Dagdag pahirap talaga ang mga magnanakaw na iyan.

No comments: