Nakakalungkot isipin na kabi-kabila na ang kaguluhan nangyayari sa ating mundo. At ang tanging hiling na lang natin na sa kabila ng lahat ay maging maayos pa rin ang takbo ng ating mundo.
Sa Syria, naghihintay na lang ang ating mga kababayan sa magiging aksiyon ng ating pamahalaan para sila'y makauwi. Makikita mo sa telebisyon ang kasagsagan ng kaluguhan doon. Nangangamba ang ilan nating mga kababayan na ilan sa kanila ay umuwi ng bangkay na lamang kung kaya nais nilang makauwi agad sa lalo madaling panahon. Ngunit ang ilan ay hinintay pang pirmahan ng kanilang mga amo ang kanilang release paper.
Ngunit bakit sinasabi pa rin ng ating embahada roon na safe pa rin ang ating mga kababayan? Ano bang klaseng pahayag yan. Dyan natin makikita na wala talagang concern ang ilang matataas na opisyal natin, dahil sila (opisyal) ay nasa mabuting kalagayan.
Ngayon ko lang narinig sa isang OFW doon, sa isang panayam sa kanya na P16,000 piso lang daw ang kaniyang sahod doon. Kumbaga, halos kaparehas lang pala ng kalagayan dito sa atin. Ibig sabihin, talagang nakipagsapalaran sila sa Syria kahit ganun kababa ang pasahod. O baka naman, malaki masyado ang cut ng kanilang agency.
Kaya nga kung minsan mas mainam pa dito sa atin, kahit paano kapiling natin ang ating mga mahal sa buhay.
Sana naman, madesisyunan agad ang agarang pagpapa-uwi sa kanila dito sa ating bansa bago pa lumala ang sitwasyon doon sa Syria. Sana'y huwag isaalang-alang ng ating pamahalaan o ng ating embahada doon ang kapakanan ng ating mga kababayan.
No comments:
Post a Comment