Isang panibagong pag-asang hatid para sa ating bayan. Isang bagong paraan upang maibsan ang matinding pangangailangan sa enerhiya. Liwanag ng pag-asa ika nga.
Una kong napanood ito sa balita, ngunit hindi ko rin gaanong pinansin dahil sa pagkakaalam ko ay batid na ng lahat ang gamit ng "Solar Energy" sa ating bansa. At marami na ang mga tumuklas sa paraang ito kung kaya inisip ko na huli na para ibahagi ko ang balitang ito.
Ngunit ngayon lang, tiningnan ko ang aking "Facebook", napansin kong ang video na ito at napagtanto ko na hindi pa pala alam ng lahat ang ganitong paraan na unang ipinakita sa bayan ng San Pedro, Laguana. Alam kong maraming mga residente ng San Pedro ang nakinabang sa programang ito.
Ang makabagong tuklas na ito ay binuo ng mga kabataang mag-aaral ng Massachusetts Institute of Technology. Nailunsad na ito sa bahagi ng Brazil at Mexico. At ngayon ay nandito na sa Pilipinas.
Isipin nyo, sa ganitong paraan malaki ang matitipid ng taong bayan. Una, hindi kamahalan ang mga materyales na gamit dito na binubuo lamang ng plastic na lalagyan tulad ng Coke, Chlorine at tubig. Ikalawa, ang mga materyales na gamit dito ay hindi mahirap hanapin dahil araw-araw nating gamit ito. Ikatlo, madali lang ang paggawa nito na kahit sino ay puwedeng gawin ito. At higit sa lahat, safe pa itong gamitin (kontra sunog).
Malaking bagay ang maitutulong nito sa ating bayan lalo na sa mga lugar na hindi pa abot ng elektrisidad gaya ng mga nasa liblib na lugar. Malaking tulong din ito sa mga hindi pa makakapagpakabit pa ng sariling kuryente.
Kailangan tutukan ang makabagong paraang ito. Kailangan lang na pagandahin pa ang pa ang desinyo upang maging angkop sa lahat ng mga kabahayan. Ito na marahil ang sagot sa problema ng mga mamamayan sa sobrang taas ng singil sa kuryente ngayon. Hindi na maawat ang paglobo ng bayarin sa kuryente kung saan, sa totoo lang maliit lang naman talaga dapat ang ating babayaran ngunit dahil sa iba't-ibang dagdag singil na nakatala sa ating Meralco Bill, kaya malaki ang ating binabayaran buwan-buwan. Ang dagdag singil na ito ay halos 100% katumbas ng ating kunsumo sa ilaw.
Ang pamamaraang ito ay inilunsad ni Ilac Diaz na siyang Founder ng My Shelter Foundation.
No comments:
Post a Comment