Image Source: kodetechhost.com |
Ang matindi, dahil sa pagmamahal, nagpapakamartir ang ilan mapababae man o lalaki. Pero ang kawawa ay ang babae. Higit sa lahat ang kanilang mga anak na labis na nasasaktan dahilan upang magsimula silang magrebelde at mapariwara. Hindi naiisip ng kanilang mga magulang ang kanilang damdamin at kahihiyang tinatamo sa mga kakilala at kaibigan. Meron, ang isang anak na dati'y mabait ngayon ay kung saan na nakikibahay. Palagi ko ng nakikita na mga barkada ang kasama. Natuto na rin magbisyo. Para bang wala na rin pakialam ang kanilang ama nang hiwalayan ang kanilang ina.
Meron naman, iniwan na lang ng babae ang lalaki dahil sa may anak na sa iba. Ang masaklap minsan na niyang pinatawad at inaruga ang sanggol na anak niya sa iba, gumawa pa rin na panibagong kalokohan. Ngayon kasama na niya ang babae niya dahil umalis na ang tunay na asawa sa pamamahay nila.
Ito ang isang bahagi sa buhay ng isang tao. Hindi na makuntento ang iba. Hindi na nila naiisip ang kinabukasan ng kanilang pamilya at mga anak. Samantalang marami ang naghahangad ng magandang pamilya at maraming kabataan ang nag-aasam na palaging buo ang kanilang pamilya. Pero bakit meron ganitong pagsubok?
Maraming bata ang gusto maging masaya. Maging maganda ang kanilang kinabukasan at matupad ang kanilang pangarap. Ngunit sa isang iglap ay maglalaho ang lahat. Meron talagang mga amang walang awa at pagmamahal sa pamilya. Meron din naman inang pabaya sa asawa't anak. Alinman, sadyang hindi na maiiwasan. Tanging pagsisisi na lang ang nalalabi upang baguhin ang lahat.
Image Source: www.access-jesus.com |
No comments:
Post a Comment